^

Bansa

Andres Bonifacio pinadedeklarang bayani, isinulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng ika-160 taong kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party­list Rep. France Castro sa mga kasamahan nitong mambabatas sa Kamara na dinggin at ipasa na ang House Bill (HB) 3573 o ang “ An Act Declaring Andres Bonifacio as the National Hero “.

Sinabi ni Castro na sa panahong ang bansa ay nahaharap sa matin­ding hamon ng pambu-bully ng mga dayuhang bansa tulad ng China ay panahon na para magkaroon ng pambansang simbolo na sasagisag sa patriyonismo, nasyonalismo at malabanan ang pananakop saka pagkontrol.

Gayunman, ayon kay Castro ay wala pang batas na nagdedeklara sa sinuman bilang pambansang bayani kundi mga proklamasyon na nagbibigay ng pagkilala at paggalang sa ilang mga kilalang persona­lidad sa kasaysayan na hindi matatawaran ang naiambag sa pag-unlad ng pamayanan kung saan pamoso dito sina Jose Rizal at Andres Bonifacio.

“Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito ay mas pag-aalabin sana ang diwang makabayan ng mga Filipino lalo na ang mga kabataan. Ikintal ang pagiging mapanuri at di sunod-sunuran sa dayuhan man o iilan at ang laging nasa isip ay ang kapakanan ng bayan,” giit pa ng Deputy Minority leader.

Magugunita na inihain ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares ang nasabing panukalang batas noong 16th Congress bilang HB 3431, mu­ling inihain noong 17th at 18th Congress na HB 3376 habang nitong nakalipas na taon ay HB 2171.

vuukle comment

GAT. ANDRES BONIFACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with