Ika-2 Pinoy na bihag ng Hamas pinakawalan
MANILA, Philippines — Malaya na ang ikalawang Filipino na hinostage ng Palestinian militant group na Hamas sa Gaza Strip, pagbabahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pahayag ngayong Miyerkules.
Ani Marcos, ligtas na ang 60-anyos na si Noralyn Babadilla at nakabalik na sa bansang Israel bilang resulta ng truce sa Hamas."Just days after expressing concern for Noralyn Babadilla's whereabouts, I am very happy to announce that Noralyn is safely back in Israel, becoming the second Filipino released from Gaza," sabi ng presidente sa X, na dating kilala bilang Twitter.
"I have entrusted our officials at the Philippine Embassy in Tel Aviv to attend to her needs in coordination with Israeli authorities."
Si Babadilla ang ikalawang Pinoy na pinalaya ng grupong Hamas matapos unang i-release ang 33-anyos na si Jimmy Pacheco.
Just days after expressing concern for Noralyn Babadilla's whereabouts, I am very happy to announce that Noralyn is safely back in Israel, becoming the second Filipino released from Gaza.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) November 28, 2023
I have entrusted our officials at the Philippine Embassy in Tel Aviv to attend to her needs… pic.twitter.com/ZJTEH7ZVVD
Dahil dito, alam na ng gobyerno ng Pilipinas ang kalagayan ng lahat ng Pinoy na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng mga Palestino at Israeli.
"With this positive development, I am pleased to inform the nation that all Filipinos affected by the war have been accounted for," dagdag pa ng pangulo.
"We extend our sincerest gratitude to Israeli authorities for facilitating Noralyn's release, and for all ongoing assistance to Filipinos in Israel."
Nagpaabot din ang head of state ng kanyang pasasalamat sa Ehipto at Qatar sa pagproproseso ng pagpapalaya sa mga nabanggit nitong mga nagdaang linggo.
Bago ito, umabot na sa apat na Pilipino ang namatay kaugnay ng gera sa pagitan ng mga Palestino at Israeli.
Ang lahat ng ito ay kaugnay ng "Operation al-Aqsa Storm" ng ilang Palestino, na produkto diumano ng pag-atakeng sinimulan ng Jewish settlers at bakbakan sa Jenin at Al-Aqsa mosque na ikinamatay ng higit 200 Palestino. Bukod pa ito sa deka-dekadang illegal Israeli occupation.
Una nang napagkasunduan ng panig ng Hamas at Israel na magkakaroon ng apat na araw na humanitarian truce, bagay na magreresulta sa pagpapalaya ng 50 bihag at 150 bilanggo.
Libu-libo na ang patay dulot ng naturang digmaan lalo na sa estado ng Palestine. Marami sa mga casualty sa parehong panig ay mga sibilyan, kabilang ang mga bata at mga kababaihan.
- Latest