^

Bansa

Debate sa budget ng OP, OVP iraratsada sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan na ang matinding debate hinggil sa budget ng Office of the President at Office of the Vice President bukas.

Ito ang sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na senior vice chairperson ng House appropriations committee, bagamat lumusot sa committee level ang budget ng OP at OVP.

Nabatid na agad na inaprubahan ng House appropriations committee ang budget ng OP na P10.7 bilyon habang P2.385 bilyon naman sa OVP para sa taong 2024 dahil na rin sa ‘parliamentary courtesy’

“It doesn’t mean that we will not subject their budgets to debate. That’s not what we mean. Pagdating sa plenaryo, magkakaroon po tayo ng full debate on their budgets,” ani Quimbo sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

Maging ang confidential funds ng OP at OVP aniya ay ‘intact’ sa kabila ng mga kuwestyon ng ilang   mambabatas.

Ayon kay Quimbo, kailangan pa ring mabusisi kung saan nagamit ang dating budget at gagamitin ang proposed upang mas malinaw ang makikitang report ng publiko.

“Iba nang question ‘yung kung paano ba ‘yan nagamit, etc. ‘Yon, pag-usapan pa natin pagdating sa plenaryo, hindi pa natin alam ‘yon. ‘Yun pa ‘yung mga tanong na hintayin pa natin ang mga sagot,” ani Quimbo.

Matatandaang tinapos ng komite ang deliberations sa panukalang 2024 national budget.

Inihahanda na ng komite ang mga recommendations at amendments para naman sa isasagawang plenary deliberations na magsisimula bukas at inaasahang matatapos hanggang Setyembre 30.

vuukle comment

VICE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with