^

Bansa

Deployment ban sa Kuwait pinag-aaralang alisin na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Matapos suspindihin visa sa mga Pinoy

MANILA, Philippines — Pinag-aaaralan na ng gobyerno ng Pilipinas ang posibleng pag-aalis ng deployment ban sa Kuwait matapos suspindihin ng naturang bansa ang pag-iisyu ng visa para sa mga Filipino.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ang suspensiyon ng Kuwait government sa pag-iisyu ng bagong visa ay tugon sa ginawang deployment ban ng Pilipinas sa household workers sa Kuwait noong Pebrero.

Paliwanag pa ni De Vega, pag-iisipan muna kung ili-lift ang nasabing ban at titingnan nila ang interes dahil hindi lang sila sa DFA kundi ma­ging ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Health (DOH), Kongreso at maging ang feedback ng publiko.

Matatandaan na nagpatupad ng deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait matapos ang pagkamatay ng OFW na si Jullebee Ranara at iba pang kaso ng pagmamaltrato sa mga OFW.

Nauna nang inanunsiyo ng Kuwaiti Interior Ministry na pansamantala nilang sinuspinde ang pag-iisyu ng visa sa mga Filipino dahil sa umano’y paglabag ng gobyerno ng Pilipinas sa bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Subalit ayon kay De Vega, nais alisin ng Kuwaiti government ang shelters para sa mga tumatakas na household workers dahil hindi ito pinapayagan sa ilalim ng kanilang batas.

Ayaw rin umano ng gobyerno ng Kuwait na kontakin ng Philippine government ang emplo­yers ng OFWs na mayroong pang-aabuso at iba pang concerns.

Iginiit pa ng opisyal na nais lang ng gobyerno ng Pilipinas na gawin ang lahat ng hakbang para maprotektahan ang mga Filipino workers base sa laws and regulations.

Nakatakda naman umanong magpulong ang dalawang bansa ngayong Mayo subalit posibleng mapagpaliban ito para magkaroon ng adjusment base sa agenda.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with