^

Bansa

Bong Go, pinakahuwarang pilantropo, lider ng bansa

Pilipino Star Ngayon

Gawad Agila Awards

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahan nitong Gawad Agila Awards na idinaos sa Grand Ballroom ng Okada Manila, ginawaran ng Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Okada Elite Eagles Club si Senator Christopher “Bong” Go bilang “Most Exemplary Philanthropic Leader of the Nation.”

Sa kanyang video message, lubos na pinasalamatan ni Go ang fraternal organization sa pagsasabing ang naturang pagkilala ay lalong magpapalakas sa kanyang determinasyon na patuloy na walang sawang magtatrabaho para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

Tiniyak ng senador na mananatili siyang kampeon para sa kapakanan ng lahat at sa pagsusulong ng accessible na pangangalagang pangkalusugan ng mahihinang sektor.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, si Go ang nag-akda at nag-sponsor ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, kaya may mga one-stop shop na nagbibigay ng mas maginhawang tulong medikal sa mahihirap na Pilipino.

Mayroon na ngayong 157 Malasakit Center sa buong bansa kung saan mahigit 7 milyong Pilipino ang natulungan na ng programa.

Bukod dito, patuloy na isinusulong ni Go ang pagtatayo ng mas maraming Super Health Center sa buong bansa na nagbibigay ng ma­ginhawang access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.         

Isa rin ang senador sa nagsulong ng iba pang batas, tulad ng Sa­lary Standardization Law 5, expansion ng Solo Pa­rents’ Welfare Act, Department of Migrant Workers Act, National Academy of Sports, at Bureau of Fire Protection Modernization Act, at iba pa.

vuukle comment

EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with