Pasok ka ba sa 'general population'? Basahin ito kung magpapaturok ng 2nd booster
MANILA, Philippines — Naglabas na ng panuntunan ang Department of Health pagdating sa pagtuturok ng ikalawang COVID-19 boosters para sa "general population" nitong Martes — ito tatlong taon matapos makapasok ng Pilipinas ang nakamamatay na virus.
Ika-12 lang ng Abril nang ianunsyo ng Kagawaran ng Kalusugan na maaari nang ibigay sa malulusog na taong edad 18-anyos pataas ang ikalawang dosis, o dose, ng booster shot.
Brand na pwede sa general population: AstraZeneca, Pfizer at Moderna ang pwedeng ibigay sa kanila. Kalahating dosis lang ng Moderna ang ibibigay.
Agwat ng second booster sa una: Maaari itong ibigay matapos ang anim na buwan. Gayunpaman, pwede pa rin ito iturok kahit na lampas na sa inire-rekomendang agwat mula sa unang booster dose.
Hindi pwede turukan ng second booster: Pwede itong ibigay sa mga 18-anyos pataas na malusog, kahit na buntis. Hindi pa ito pwede sa mga batang edad 5-17 taong gulang.
Maaaring tignan kumpletong listahan ng unang COVID-19 booster doses sa link na ito depende sa primary series na nakuha.
Una nang sinabi ng DOH na tatlong buwan ang agwat dapat ng unang booster dose mula sa primary series. Sa kabila nito, dalawang buwan lang ang agwat na kailangan kung Gamaleya Sputnik Light o Janssen ang primary series.
Maliban sa general population, pwede ring ibigay ang second COVID-19 booster dose sa:
- healthcare workers
- mga edad 50 pataas
- may comorbidity
- hindi immunocompromised
- immunocompromised adults
Silipin ang agwat ng doses at kung anong brands ang pwedeng ibigay sa mga nabanggit sa itaas dito:
Maaaring bigyan ng unang booster shots ang mga batang 12-17 taong gulang pero Pfizer lang ang pwedeng brand sa kanila.
Aabot na sa 4.08 milyon ang tinatamaan sa ngayon ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 10,263 ang aktibong kaso pa habang 66,443 naman ang namatay na.
- Latest