^

Bansa

Pebero, 25 ‘di na holiday - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pebero, 25 �di na holiday - Palasyo
Ginugunita ngayon ang ika-37 taon ng EDSA People Power kaya maging ang replica ng EDSA People Power monument sa Congressional Road, Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite ay inaasahang darayuhin ngayon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi na regular holiday ang Pebrero 25 na siyang mismong araw ng Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ito ay dahil idineklara na kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pebrero 24 na special non-working holiday bilang bahagi ng holiday economics.

Layon umano ng holiday economics na itaguyod at pasiglahin ang industriya ng turismo ng bansa.

Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang hakbang ng Pangulo ay para bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na makuha ang mga benepisyo ng mahabang bakasyon o long weekend habang ginugunita ang kahalagahan ng EDSA People Power Revolution anniversary.

Habang isinusulat ito ay wala pa ring anunsiyo ang Palasyo kung may aktibidad o dadaluhan si Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng People Power anniversary.

Kagabi ay pinangunahan ng Pangulo ang pagdiriwang ng Tan-Ok ni Ilocano festival sa Laoag, Ilocos Norte.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na kaisa siya at kanyang buong pamilya ng Ilocano sa pagdiriwang ng araw na ito na isang okasyon bilang pagpapakita ng kasaysayan at kultura ng Ilocos Norte.

vuukle comment

EDSA

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with