^

Bansa

SWS: 62% ng Pinoy naniniwalang 'buhay pa diwa ng EDSA' kahit si Marcos Jr. ang presidente

James Relativo - Philstar.com
SWS: 62% ng Pinoy naniniwalang 'buhay pa diwa ng EDSA' kahit si Marcos Jr. ang presidente
Protesters raise clinched fists as they hold banners with anti-Marcos slogans during a demonstration to commemorate the 36th anniversary of the People Power Revolution in 1986 that ousted the late dictator Ferdinand Marcos, in front of the People Power monument in Quezon City, suburban Manila on February 25, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Naniniwala ang karamihan ng mga Pilipinong buhay pa rin ang diwa ang pag-aalsang EDSA People Power, ito kahit presidente ngayon ang anak ng napatalsik na si Ferdinand Marcos Jr.

Ibinahagi ng Social Weather Stations (SWS) ang naturang pag-aaral, Huwebes, dalawang araw bago ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo ng mapayapang protestang bayan na siyang nagpakilos sa milyun-milyong Pilipino.

"On the spirit of the EDSA People Power Revolution, 62% think it is alive," wika ng survey firm sa isang pahayag kanina.

"37% think it is not alive."

Ito ang lumalabas matapos pagsama-samahin ng SWS ang mga naturang datos:

  • talagang buhay: 22%
  • medyo buhay: 41%
  • medyo hindi na buhay: 21%
  • talagang hindi na buhay: 17%

Matatandaang nangyari ang EDSA People Power simula ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero noong 1986, ito matapos ang mahigit 20 taong panunungkulan ni Marcos Sr. na siyang nagpatupad noon ng Martial Law.

Dati nang sinabi ng Amnesty International na umabot sa 70,000 katao ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay kaugnay ng Batas Militar ni Marcos simula 1972 hanggang 1983.

"On commemorating the EDSA People Power Revolution, 57% think it is still important," dagdag pa ng SWS sa pag-aaral.

"42% think it is not important anymore."

Sa kabila ng mataas na bilang ng mga naniniwalang buhay pa ang diwa nito, kakaonti lang sa mga Pilipino ang nagsasabing natupad ang mga pangako ng kilusang EDSA:

  • lahat/halos lahat: 5%
  • karamihan: 19%
  • natupad ang kaonti: 47%
  • halos wala/wala: 28%

Ikinasa ang naturang pag-aaral mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022, bagay na isinagawa sa 1,200 kataong nasa wastong edad sa buong bansa gamit ang harapang panayam. Sinasabing may ±2.8% sampling error magin ang survey.

Matatandaang Mayo 2022 lang nang manalo bilang ika-17 na presidente ng Pilipinas ang anak ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito habang nanunungkulan naman ang kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos sa lehislatura. 

Bago maupo si Bongbong sa kapangyarihan, halos lahat ng People Power commemoration ceremonies ay hindi dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 2018 lang nang mahatulan ng Sandiganbayan ang kanilang inang si dating First Lady Imelda Marcos ng "guilty" para sa pitong counts ng graft.

vuukle comment

ACTIVISM

BONGBONG MARCOS

EDSA

FERDINAND MARCOS

PEOPLE POWER

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with