16 katao sugatan dahil sa magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro
MANILA, Philippines — Nasa 16 na katao na ang naitalang nagtamo ng injury buhat ng malakas-lakas na bagyong yumugyog sa Mindanao nitong Miyerkules, ayon sa pinakasariwang ulat ng Office of Civil Defense.
Matatandaang naitala sa bayan ng Compostela ang epicenter ng lindol, dahilan para maramdaman ang intensity 6 (very strong) sa ilang bahagi ng Davao de Oro at Davao del Norte noong Miyerkules ng gabi.
Sabi ng OCD, Biyernes, umabot na sa 97 katao ang naapektuhan ng nasabing pag-uga ng lupa. Ito'y kahit na umabot sa 154 pasyente ang inilikas mula sa Davao de Oro Provincial Hospital matapos ang lindol.
Dalawang "earthquake induced landslides" din ang nangyari simula nang mangyari ang insidente.
Nasa 52 imprastruktura ang napinsala sa ngayon, bukod pa sa damages na naitala sa apat na kabahayan.
Sa kabutihang palad, wala namang malaking pagkaantalang nangyari sa serbisyo ng komunikasyon, kuryente at tubig. Wala namang naitalang pinsala sa ngayon sa mga kalsada at mga tulay.
"OCD Regional Office and Local [Disaster Risk Reduction and Management Offices] continous assessment, coordination and monitoring [have been done]," patuloy pa ng gobyerno.
"Search and Rescue teams on standby... Assistance provided to the affected."
"Davao de Oro in Eastern Mindanao is one of the seismically active regions in the country because of the presence of several active faults that include the East Compostela Valley, West Compostela Valley, Central Compostela Valley, Nabunturan, Caraga River, and Mati Segments of the Philippine Fault (Perez et al., 2015), and the Central Mindanao Fault," sabi ng state seismologists mula Phivolcs.
"There are other nearby local faults, some of which may be covered by recent deposits, that could be sources of small- to strong-magnitude earthquakes." — James Relativo
- Latest