Big-time rollback sa petrolyo, larga ngayon
MANILA, Philippines — Malaking rollback sa presyo ng diesel at kerosene habang halos piso sa gasolina ang sasalubong ngayong araw sa mga motorista.
Sa isang advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., Caltex, Seaoil na magbabawas ito ng presyo kada litro ng diesel ng P3.95, kerosene P2.65 at gasolina P0.85.
Ipapatupad ng PTT Philippines, Cleanfuel at Petro Gazz ang parehong adjustments sa diesel at gasoline, habang wala naman silang produktong kerosene.
Pagtuntong pa lang ng alas-12:01 ng madaling araw ngayong Martes ay ipatutupad na ng Caltex at Cleanfuel ang adjustments.
Epektibo naman ang bawas presyo alas-6 ng umaga ng Martes ng kumpanyang Shell, Seaoil, PetroGazz at PTT Philippines.
Wala pang anunsyo ang iba pang kumpanya bagamat inaasahan din ang katulad na rollback.
Ito ang ikalawang sunod na linggo ng mga rollback sa gasolina, at ikaanim sa diesel at kerosene.
Ang nagsabing inaasahan ang pagbaba ng presyo dahil sa epekto ng mas mataas na kaso ng COVID-19 sa mainland China sa demand ng gasolina, ang mas mataas na imbentaryo ng krudo sa United States, at ang ipinataw na limitasyon ng presyo sa krudo ng Russia. — Angie dela Cruz
- Latest