DOTr, planong magtayo ng paliparan sa 4 lalawigan sa southern Philippines
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng mga bagong paliparan sa may apat na lalawigan sa southern Philippines.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Planning and Project Development Timothy John Batan, ang mga bagong Paliparan ay plano nilang ipatayo sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate at Bukidnon.
“Pinag-aaralan ang pagtatayo ng mga bagong paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate, at Bukidnon,” ani Batan.
Aniya pa, magpopokus din sila sa konstruksiyon ng New Manila International Airport sa Bulacan at sa panukala ng Cavite provincial government na i-develop pa ang Sangley Airport bilang isang international gateway.
Layunin aniya nito na magkaroon ng mas ligtas at mas malawak pa ang maabot ng mga paliparan upang makapag-accommodate ng mas maraming biyahe at mga pasahero.
Idinagdag din niya na paghuhusayin pa ng DOTr ang passenger experience sa mga kasalukuyang paliparan sa bansa, gamit ang makabagong teknolohiya gaya ng biometrics at self check-in kiosks.
- Latest