^

Bansa

30K inaasahang dadalo sa inagurasyon ni Marcos

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
30K inaasahang dadalo sa inagurasyon ni Marcos
Female police officers take part in a simulation exercise in front of the National Museum yesterday to prepare for the inauguration of presidentelect Ferdinand Marcos Jr. today.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Inaasahang aabot sa 30,000 katao ang dadagsa sa Intramuros area para manood ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ngayon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na binuksan ng mga organizer ang Intramuros Golf Course upang ma­gamit ng mga sibilyang dadalo at gustong sumaksi sa inagurasyon.

Ang lugar ay inaasahang mapupuno ng nasa 25,000 hanggang 30,000 indibiduwal.

Pinaalalahanan ni Fajardo ang publiko na huwag magdadala ng mga matutulis na bagay katulad ng cutter, kutsilyo, blades at iba pa.

Bawal din ang mga inuming nakalalasing, ­sigarilyo, drones, mga bagay na nasusunog, lighter, posporo, kemikal, fireworks at pyrotechnics.

Hiniling ng PNP sa mga dadalo na huwag nang magdala ng mga backpack at mga hindi transparent na lalagyan ng tubig.

Kung hindi anya maiiwasan ang pagdadala ng anumang bag, mas mabuti kung transparent ito.

“Kung ganoong karaming tao at iisa-isahing i-screen, para hindi na sila maantala ay ‘wag na silang magdala ng mga sinasabi ko,” wika ni Fajardo.

Inaasahan namang didiretso sa Malacañang si Marcos pagkatapos ng inagurasyon sa National Museum.

Samantala, may tatlong oras lamang na inilaan ang mga awtoridad sa publiko para makapasok sa lugar ng inagurasyon ni Marcos.

Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesperson PMajor Philipp Ines, mula 6-9 ng umaga lamang ang oras na ­ibinibigay nila sa publiko para makapasok sa venue.

Gagamitin bilang entrance ang Victoria Street at General Luna Street, na magkabilaang kalsada sa golf course.

Tinataya rin na nasa humigi’t kumulang na 1,500 VIPs at VVIPs (very very important persons) ang inaasahang dadalo sa inagurasyon.

Ang mga VVIPs ay pauupuin sa may podium sa may museum habang ang mga VIPs naman ay pauupuan sa lane sa may Padre Burgos Avenue.

Bagama’t lumulutang ang impormasyon na magpapatupad ng signal jamming sa lugar, sinabi ni Ines na wala pa silang berepikasyon ukol dito.

Habang mga “freedom parks” malayo sa museum ang itinalagang lugar para sa mga anti-Marcos rallyists, sinabi ni Ines na maaaring magtipon naman ang mga pro-Marcos rallyists malapit sa golf course sa Intramuros.

Madiin ang babala ni MPD Director PBGen Leo Francisco sa mga raliyista na aarestuhin sa oras na maging marahas at magtangka na makalapit sa museum.  Itinalaga para sa kanila ang Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio para magsagawa ng kanilang mga programa.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with