^

Bansa

Kadete ng PNPA natigok sa training

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay sa ospital ang isang bagong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA), tatlong linggo matapos siyang mawalan ng malay habang nagti-training sa PNPA ground sa Camp Gen. Mariano, Silang, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Rafael Aminin Sakkam, tubong Zamboanga City at isa sa 1,871 na nakapasa sa PNPA Cadet Admission Test noong 2021.

Ayon sa ulat, si Sak­kam ay nalagutan ng hini­nga sa Qualimed Hospital sa Brgy. Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng gabi.

Batay sa report, nag-collapse si Sakkam noong Hunyo 3, 2022 habang siya ay sumasailalim sa reception rites. Dinala siya sa PNPA Dispensary matapos makaramdam ng pag­hihirap sa paghinga.

Inilipat ang kadete sa Qualimed Hospital noong Hunyo 7 dahil sa patuloy na paglala ng kalagayan nito. Gayunman, kamakalawa ng alas-6:00 ng gabi ay tuluyan na siyang bina­wian ng buhay.

Ang PNPA ay isang ins­titusyon ng gobyerno kung saan nanggagaling ang mga opisyal ng Philip­pine National Police, Bu­reau of Fire at Bureau of Jail Management and Pe­no­logy.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with