^

Bansa

Duterte hinimok lahat na 'wag batikusin si Marcos Jr., kahit ginawa naman niya 'yon noong 2021

James Relativo - Philstar.com
Duterte hinimok lahat na 'wag batikusin si Marcos Jr., kahit ginawa naman niya 'yon noong 2021
Litrato nina Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (kanan), na anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Davao City Mayor’s Office/Kiwi Bulaclac

MANILA, Philippines — Tinawagan ni outgoing President Rodrigo Duterte ang publikong ibato ang buong suporta kay president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa "ikatatagumpay ng susunod na administrasyon" — pero para magawa ito, dapat magpreno raw sa kritisismo.

"I will say nothing. Ang ayaw ko baka may maiwan pa ‘yung namumulitika pa rin or you know just plain criticize itong bagong administrasyon. You do not do that," wika ni Duterte, Lunes, sa isang televised speech.

"President-elect Marcos would need the cooperation and help of everybody. We must give it to him. That’s democracy. That is how we operate. And ‘pag nagsalita na ‘yung taong-bayan kung sino ‘yung mga lider na gusto nila, sunod tayo."

Sinabi ito ni Digong kahit kinutya niya si Marcos Jr. bilang "spoiled" at "weak leader" noong Nobyembre 2021, dahilan para sabihin niyang hindi siya bilib sa anak ng napatalsik na dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Tinitiyak din ng Article III Section 4 ng 1987 Constitution ang kalayaan sa pamamahayag, kahit na ang pagrereklamo laban sa sariling gobyerno:

No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Matatandaang nalabag nang husto ang kalayaan sa pamamahayag at karapatang pantao noong diktadura ni Marcos Sr. lalo na noong Martial Law, dahilan para makulong ang 70,000, tortyurin ang 34,000 at patayin ang 3,200 mula 1972 hanggang 1981, ayon sa Amnesty International.

Ang mahalaga raw ngayon para kay Duterte ay magkaisa ang lahat sa pagharap sa mga isyung kinapapalooban ng mga Pilipino, dahilan para hindi raw makabuti ang anumang "pagkakawatak-watak."

"Iwasan ninyo ‘yung pulitika at lahat ‘yung na mga kaibigan ko, ang nagsuporta sa akin, we rally behind the elected leaders of our country," sabi pa ni Duterte.

"Ganoon talaga ang pamamaraan sa ating pang-gobyerno."

Si Marcos Jr. ay running mate ni vice president-elect at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na siyang anak ni Digong. Sa kabila nito, hindi niya inendorso sa pagkapangulo si Bongbong para sa eleksyong 2022.

Una nang inisip nang marami na si Marcos Jr. ang pinariringgan ni Duterte noong magsalita tungkol sa kandidatong lulong sa paggamit ng cocaine at estate tax na hindi pa nababayaran sa Bureau of Internal Revenue. Sinisingil pa rin ng kawanihan ang pamilya Marcos ng naturang estate tax na tinatayang nasa P203 bilyon na.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with