^

Bansa

'Blind item uli'?: Duterte sinita BIR sa estate tax na hindi pa nasisingil

James Relativo - Philstar.com
'Blind item uli'?: Duterte sinita BIR sa estate tax na hindi pa nasisingil
Kuha kay Pangulong Rodrigo Duterte habang nagtatalumpati sa Arcadia Active Lifestyle Center sa Matina, Davao City, ika-29 ng Marso, 2022
Presidential Photos/Arman Baylon

MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) patungkol sa hindi pa nakukulektang estate tax ng personalidad na hindi niya pinangalanan — ito habang naiipit ang pamilya ni presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa P203.8 bilyong estate tax issue.

Nabanggit ni Digong ang isyu sa talumpating inere Martes gabi habang ipinagtatanggol ang desisyon niyang ipagpatuloy ang operation ng kontrobersyal na electronic sabong o "e-sabong" para pagkakitaan ng gobyerno. 

"Ako baka nagdududa kayo bakit hindi ko hininto [ang e-sabong]. Hindi ko ho hininto kasi kailangan ng pera sa e-sabong ng gobyerno. I’ll make it public now, it’s P640 million a month. And in a year’s time, it’s billion plus," ani Duterte, na wala pa ring ineendorso sa pagkapresidente ngayon.

"Saan tayo maghanap ng pera ng ganoon na kadali na siguro? Sa taxation natin, so ang gobyerno can only prod. Hindi naman kailangan ng reminder sa Malacañan."

Ika-28 ng Pebrero nang maghain ng resolusyon ang Senado para himukin ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na isuspindi ang operation ng mga online sabungan matapos mawala nang parang bula ang nasa 31 kataong itinuturing may kinalaman sa e-sabong industry.

Pagdadahilan ni Duterte, pwede naman daw kasing magkaroon ng mga krimen at patayan kaugnay ng kahit na anong bagay pati na sa mga ligal na pasugalan gaya ng mga casino. Dahil dito, hindi na raw kailangang i-single out ang e-sabong lalo na't kumikita rito ang gobyerno.

"Nandiyan ‘yung BIR so tanungin natin ‘yang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta ‘yung estate tax. So ‘yan ang ano diyan," dagdag ni Duterte.

"[M]araming pumunta dito, hindi ko na sabihin kung sino — nanghihingi ng suporta kaya late kami ngayon nag-umpisa... [S]iyempre I had to talk to them, taas ng kamay nila. Well, ang buhay ng
pulitiko."

Ieendorso si Marcos o hindi?

Wala pang sinusuportahan sa mga tumatakbo sa pagkapangulo si Duterte kahit vice presidential running mate ni Marcos ang anak ni Digong na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Taong 2021 pa lang ay tinawag na ng nakatatandang Duterte si Bongbong bilang "weak leader," habang pinaghihinalaan nang marami na si BBM ang pinariringgan ng pangulo nang sabihin niyang may presidential bet na gumagamit ng cocaine.

Linggo lang nang sabihin ni Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Dutete na nagpapakita na raw ng mga "sinyales" ang kanyang amang si Digong na ineendorso niya si Bongbong.Kamakailan lang nang suportahan ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Cusi ang kandidatura ni Marcos. Si Duterte ang chair ng naturang partido.

Isyu ng estate tax ng Marcoses

Inilutang ni Duterte ang isyu ng uncollected excise tax ngayong bilyun-bilyong excise tax ng mga naiwan ng yumaong napatalsik na pangulo, bagay na ipinupukol ngayon ng iba't ibang 2022 presidential candidates laban kay Bongbong.

Sa kabila nito, iginigiit ni BBM na "hindi muna ito kinokolekta sa kanila" dahil hindi pa raw malinaw kung magkano ang sisingilin sa kanila. Aniya, pamumulitika lang ito lalo na't ibinabato ito ngayong eleksyon. Ito'y kahit nagpadala na ng demand letter ang BIR sa kanila noong Disyembre 2021 na bayaran ang utang. 

Sa sobrang laki ng estate tax na ito — o 'yung buwis na kinokolekta ng gobyerno para mailipat ang naiwang kayamanan ng namatay papunta sa naulilang mamanahan — ilang kandidato at grupo na ang nagsabing malaki ang magagawa ng bilyones para mapakinabangan ng publiko.

Una nang sinabi ni presidential candidate Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na kaya nitong magpakain sa 59.7 milyong Pilipino araw-araw sa loob ng isang taon kung makokolekta ito ng BIR.

Ayon naman kay Anakpawis national president Ariel Casilao, pwedeng gamitin ang P203 bilyon para pandagdag sa ayudang ibibigay ng gobyerno ngayong kasagsagan ng oil prices hikes. Kung hahati-hatiin daw ang halaga, makakukuha ng P1,816 ayuda ang bawat Pilipinomalayo sa P500 lang na ibibigay ng gobyerno.

Itinutulak din ngayon ng Department of Finance na kolektahin ng BIR ang estate tax ng mga Marcos para makapag-generate ng mas malaking revenue ang gobyerno para mapadali ang buhay ng mga Pinoy ngayong may oil crisis.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

ESTATE TAX

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with