^

Bansa

Local absentee voting umpisa na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Local absentee voting umpisa na
Sa naturang bilang, 84,357 botante lamang ang pinayagang makapag-avail ng LAV matapos pumasa sa pamantayan. Hindi ina­prubahan ang aplikasyon ng may 9,341 indibidwal dahil hindi sila rehistrado o kaya ay na-deactivate mula sa voters’ list.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Simula na ngayong Miyerkules (?Abril 27) ang local absentee voting (LAV) para sa mga botante na naka-duty sa aktwal na araw ng halalan sa ?May 9 national and local elections.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kahapon na kabuuang 93,698 miyembro ng militar, pulisya, gobyerno at media personnel ang nag-aplay sa LAV.

Sa naturang bilang, 84,357 botante lamang ang pinayagang makapag-avail ng LAV matapos pumasa sa pamantayan. Hindi ina­prubahan ang aplikasyon ng may 9,341 indibidwal dahil hindi sila rehistrado o kaya ay na-deactivate mula sa voters’ list.

Tatagal lamang ng tatlong araw o hanggang sa Abril 29, 2022 ang LAV.  

Magiging manu-mano ang pagboto ng mga local absentee voters na maaari lamang bumoto para sa national positions kabilang na rito ang presidente, bise presidente, senador at party-list.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang pagboto ng mga military, police at government personnel ay pa­ngangasiwaan ng pinuno ng kani-kanilang tanggapan na siyang mamamahagi ng balota.

Kapag natapos nang bumoto, ang mga balota ay ilalagay sa envelope na kokolektahin ng office head at saka ipapadala sa Comelec Election Contests Adjudication Department (ECAD).

Ang mga media personnel naman ay boboto sa Regional Election Director - National Capital Region (RED-NCR).

Ang mga LAV votes ay bibilangin ganap na alas-7:00 ng gabi ng ?Mayo 9 at isasagawa ito ng Committee on Local Absentee Voting sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Bureau of Treasury sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.

 

ABSENTEE VOTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with