'Election-related' violence vs De Guzman imbestigahan dapat ng Comelec — grupo
MANILA, Philippines — Kinundena ng sari-saring sektor ang nangyaring pagpapaputok ng baril sa kampo nina presidential candidate Ka Leody de Guzman, ilang katutubong, Manobo-Pulangiyon atbp. sa probinsya ng Bukidnon, bagay na kaso raw ng "election-related violence" bago ang Mayo.
Martes nang ma-livestream sa Facebook page ni Partido Lakas ng Masa (PLM) senatorial bet David D'Angelo ang insidente, bagay na nangyari habang mapayapang ipinoprotesta ng mga katutubo ang karapatan nila sa "lupang ninuno" sa Brgy. Butong, bayan ng Quezon.
"Kontra Daya denounces an apparent case of election-related violence this afternoon at Barangay Butong, Quezon in Bukidnon. This is unacceptable," ani Kontra Daya convenor Danilo Arao kanina.
"COMELEC should investigate based on initial information shared on Leody de Guzman's verified Facebook page."
QUICK STATEMENT (April 19): Kontra Daya denounces an apparent case of election-related violence this afternoon at Barangay Butong, Quezon in Bukidnon. This is unacceptable. COMELEC should investigate based on initial information shared on Leody de Guzman's verified Facebook page.
— Danilo Arao (@dannyarao) April 19, 2022
Wala pa ring komento ang Commission on Elections (Comelec) patungkol sa isyung ito.
Ipinagbabawal sa Section 261 (e) ng Ominibus Election Code ang paggamit ng dahas laban sa mga nangangampanya sa panahon ng halalan.
Bagama't nakaligtas sina De Guzman at senatorial candidates D'Angelo at Roy Cabonegro, dalawa ang sinasabing tinamaan ng bala.
"Ang tinamaan ay ang nasa tabi ko, si Nanie Abela, na organizer ng mga magsasaka sa Mindanao. Casualty rin ang isang lider ng tribong Manobo-Pulangiyon," wika ni De Guzman sa isang tweet ngayong hapon.
Salamat sa mga nag-alala. Ako po at sila kasamang Roy Cabonegro at David D'angelo ay ligtas.
— Ka Leody de Guzman (@LeodyManggagawa) April 19, 2022
Ang tinamaan ay ang nasa tabi ko, si Nanie Abela, na organizer ng mga magsasaka sa Mindanao. Casualty rin ang isang lider ng tribong Manobo-Pulangiyon.
Kanina lang nang sabihin ni vice presidential candidate Walden Bello, running mate ni De Guzman, na nangyari ang insidente ilang oras matapos nilang makipag-usap sa mga katutubo patungkol sa diumano'y "land grabbing" ni Quezon municipal Mayor Pablo Lorenzo III.
Kinukuha pa ng Philstar.com ang tugon dito ni Lorenzo ngunit ngunit hindi pa rin sumasagot sa panayam hanggang sa ngayon.
Malawak na pagkundena
Umani naman ng simpatya at suporta sina De Guzman sa iba't ibang grupong pulitikal ngayong araw, kahit na yaong mga sumuporta sa ibang presidential candidates para sa 2022 national elections.
"I condemn the attack against Ka Leody de Guzman, his companions and members of the Manobo-Pulangiyon tribe in Bukidnon today," ani senatorial candidate Neri Colmenares, na kilalang ineendorso ang katunggali ni De Guzman na si Bise Presidente Leni Robredo. Sinundan din ito ng iba pang mga miyembro ng Makabayan bloc.
"This threat against Ka Leody and his team and the tribe leaders is not just an assault on our electoral system but also on the rights of the tribe to assert their jurisdiction over their ancestral land."
I condemn the attack against Ka Leody de Guzman, his companions and members of the Manobo-Pulangiyon tribe in Bukidnon today. There is no justification for this dastardly act. We demand an immediate investigation and punishment of those responsible.
— Neri Colmenares (@ColmenaresPH) April 19, 2022
STOP THE ATTACKS AGAINST PROGRESSIVES! DISMANTLE PARAMILITARY GROUPS! #141BayanMuna Rep. Eufemia Cullamat, Lumad leader, strongly condemns the brazen shooting by paramilitary forces in Bukidnon who opened fired on Presidential Candidate Leody de Guzman @LeodyManggagawa pic.twitter.com/hFhr3bWTHD
— #141BayanMuna Partylist (@BayanMuna) April 19, 2022
sugatan kasama ang isang lokal na lider ng mga Manobo-Pulangiyon na organisador din ng mga magsasaka.
— #95Kabataan Partylist (@KabataanPL) April 19, 2022
Kinukundena ng Kabataan Partylist ang lantarang atake sa mga pambansang minorya at sa mga sumusuporta sa kanila tulad nina ka Leody na nais lamang ipaglaban ang
Wika ni Colmenares, makikita sa video na mapayapa at walang balak na masama sina Ka Leody, kanyang team at mga katutubo ngunit pinaputukan pa rin.
Dagdag pa nila, sinyales lang daw ito na parte ito ng "culture of impunity" na nalikha diumano ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraang anim na taon. Kailangan daw na respetuhin ang karapatan ng IPs kung seryoso ang lahat na makamit ang katahimikan sa Mindanao.
Nagrehistro rin ng kanyang disgusto si PLM senatorial candidate Luke Espiritu sa nangyari, hindi lang kina De Guzman at mga katutubo ngunit pati na rin sa kanyang slate mates.
Malacañang kinundena ang nangyari
Bagama't kilalang kritiko ni Duterte sina Ka Leody, nagpaabot ang Palasyo ng kanilang pagtutol sa nangyari sa Bukidnon na siyang wala raw lugar sa bansa.
"Violence has no place in any civilized society and we condemn the incident in Bukidnon where gunshots were allegedly fired against the camp of Ka Leody de Guzman," wika ni acting presidential spokesperson Martin Andanar kanina.
"We urge the local authorities to conduct a thorough investigation and prosecute those behind this dastardly act."
Violence has no place in any civilized society and we condemn the incident in Bukidnon where gunshots were allegedly fired against the camp of @LeodyManggagawa. pic.twitter.com/1miFn6gn7d
— Secretary Martin Andanar (@SecAndanar) April 19, 2022
Kanina lang nang sabihin nina Cabonegro, D'Angelo at De Guzman na hindi man lang nag-warning shot paitaas ang mga nagpaputok ng baril.
Bukod pa rito, wala aniyang ginawa ang kasundaluhan kahit nagpuputukan na. Kanina lang nang sabihin sa Philstar.com ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Ramon Zagala na ipasisilip niya ang insidente.
- Latest