^

Bansa

Panibagong bagyo 'papasok ng PAR sa Lunes,' pauulanin southern Luzon, Visayas

Philstar.com
Panibagong bagyo 'papasok ng PAR sa Lunes,' pauulanin southern Luzon, Visayas
Kuha ng panibagong tropical depression na namuo sa silangan ng Mindanao, ika-7 ng Abril, 2022
https://himawari8.nict.go.jp/

MANILA, Philippines — Ganap nang naging tropical depression ang binabantayang dating low pressure area (LPA) ng PAGASA, bagay na magpapaulan sa bansa at tinatayang papasok ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw sa kalagitnaan ng tag-araw.

Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, Huwebes, namataan ang bagyo 2,435 kilometro silangan ng Mindanao bandang 3 a.m.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras
  • Bugso ng hangin: 70 kilometro kada oras
  • Pagkilos: kanluran hilagangkanluran
  • Bilis: 10 kilometro kada oras

"'Yung low pressure area naman po na mino-monitor natin kahapon sa labas ng Philippine Area of Responsibility, ay kahapon din po ng alas-otso ng umaga ay nabuo at ngayon po ay isa na po itong tropical depression," ani Castañeda kanina.

"Continous monitoring din po tayo sa tropical depression po na ito, at nakikita po natin 'yung posibilidad na papasok po ito sa ating Philippine Area of Responsibility. Maaari po 'yan by Monday."

Nakikitang magdudulot ito ng masungit na panahon sa ilang bahagi ng Kabisayaan at katimugan ng Luzon.

Wala pa namang itinataas na storm signal warning sa anumang bahagi ng Pilipinas ngunit pinag-aantabay ang publiko pagdating sa magiging epekto nito sa bansa sa mga susunod na araw.

"Ang intial po nating Tropical Cyclone Advisory ukol nga po rito sa tropical depression nga po na ito, ay maari po nating ilabas bukas po ng Biyernes o sa Sabado," dagdag pa ni Castañeda.

Ang nasabing sama ng panahon ay lumalapit sa kapuluan kahit na nagsimula na ang "hot dry season" o tag-araw nitong Marso— James Relativo

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with