^

Bansa

10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila�y mahirap � SWS
Sa non-commissioned survey na ginawa noong Dis­yembre 12-16, 2021 sa may 1,440 res­pondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman ang nagsabing sila ay hindi mahirap.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa non-commissioned survey na ginawa noong Dis­yembre 12-16, 2021 sa may 1,440 res­pondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman ang nagsabing sila ay hindi mahirap.

Ang latest rate percentage na 43% ay mas mababa sa 45% noong September 2021.

Dahil dito, bumaba sa 10.7 milyong pamilyang Pili­pino ang nagsabing sila ay mahirap sa hu­ling quarter ng 2021 na mas mababa sa 11.4 milyon noong third quarter ng 2021.

Ayon sa SWS, kung ikukumpara sa  September 2021, ang self-rated poor ay mula sa Mindanao (58%) mula sa dating 43%, Metro Manila (34%) na da­ting 25%. Bahagyang tumaas sa Visayas mula 54% naging 59%, at sa Balance Luzon 38% naging 41%.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with