^

Bansa

Pulse Asia: Marcos napanatili lead sa February survey; Robredo ika-2 pero bumaba nang kaonti

James Relativo - Philstar.com
Pulse Asia: Marcos napanatili lead sa February survey; Robredo ika-2 pero bumaba nang kaonti
Composite campaign photo of top five presidential candidates for the May 2022 elections.
File

MANILA, Philippines — Kung paniniwalaan ang bagong pre-election survey ng Pulse Asia, nangunguna pa rin sa 2022 presidential elections si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, habang nasa malayong second spot si Bise Presidente Leni Robredo.

Sa survey ng Pulse Asia na isinapubliko, Lunes, lumalabas na 60% ng botante ang boboto kay Bongbong kung ginawa ang eleksyon mula ika-18 hanggang ika-23 ng Pebrero — ito habang nasa 15% naman ang sumusuporta kay Robredo.

Narito ang breakdown ng kanilang "likely voters" sa naturang pag-aaral na gumamit ng harapang panayam sa 2,400 kataong nasa wastong edad:

  • Marcos, Bongbong (60%)
  • Robredo, Leni (15%)
  • Domagoso Isko Moreno (10%)
  • Pacquiao, Manny Pacman (8%)
  • Lacson, Ping (2%)
  • Mangondato, Faisal (0.4%)
  • De Guzman, Leody (0.1%)
  • Montemayor, Jose Jr. (0.01%)
  • Abella, Ernie (0%)
  • Gonzales, Norberto (0%)

"[Marcos] enjoys the lead in all geographic areas and socio-economic groupings (53% to 68% and 58% to 61%, respectively)," ayon sa Pulse Asia sa isang pahayag kanina.

"In second place is Vice-President Maria Leonor G. Robredo, whose own presidential bid is backed by 15% of likely voters."

 

 

Nasa 1% na pagbaba ang tinamasa ni Robredo mula sa 16% voter preference noong Enero habang nananatili ang 60% sa anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kagaya ni Marcos, double-digit ang voter preference kay Robredo sa lahat ng lugar at estado ng pamumuhay.

Domagoso no. 1 sa survey bilang second-choice

Kapansin-pansing si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mananalo sa pagkapangulo kung biglang umatras ang first choice na iboboto ng mga na-survey. Nakakuha kasi si Isko ng second choice presidential preference na 26%.

Naungusan ni Pacquiao (13%) si Robredo (12%) sa nasabing kategorya. Malalaglag si Marcos (5%) sa ikalimang pwesto kung ganito ang nangyari, habang mas marami ang boboto kay Lacson (11%) bilang ikalawang pick.

"BMP Chairperson de Guzman and Mr. Mangondato each register a 1% alternative voting figure," patuloy ng survey firm.

"The rest of likely voters do not have a second-choice presidential bet (23%), are ambivalent about their alternative candidate for the post (4%), or refuse to name their second-choice presidential candidate (0.1%)."

 

 

Duterte-Carpio frontrunner sa VP race

Numero uno pa rin sa pagkabise ang UniTeam runningmate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa nasabing survey (53%), bagay na sinundan naman ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III (24%).

Kung umatras sa eleksyon ang first choice ng mga na-survey, maaaring si Sotto ang magwagi matapos makalikom ng 31%. Sinundan naman siya ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan (15%).

Ayon sa Pulse Asia, walang pribadong indibidwal na nagkomisyon ng nasabing pre-election surveys.

Kahit ganito ang itsura ng surveys, 'di ibig sabihing ito na ang magiging resulta sa Mayo.

Matatandaang nasa ikalawang pwesto lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Social Weather Stations at Pulse Asia surveys sa mga unang buwan ng 2016. Sa kabila nito, si Digong pa rin ang nanalo noong taong 'yon.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with