^

Bansa

PhilHealth, SSS, PAG-IBIG sa riders isusulong ni Kiko

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth, SSS, PAG-IBIG sa riders isusulong ni Kiko
“Buwis-buhay ang araw-araw nilang pagmamaneho sa kalsada. Lantad din sila sa iba’t ibang klase ng sakit, kaya kailangan nila ng proteksyon. Dapat may PhilHealth, SSS, Pag-IBIG ang mga riders,” wika ni Senador Kiko Pangilinan.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Iginiit ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan na dapat mayroong PhilHealth, SSS at PAG-IBIG ang lahat ng motorcycle riders sa bansa dahil napakahalaga nito lalo ngayong may pandemya.

“Buwis-buhay ang araw-araw nilang pagmamaneho sa kalsada. Lantad din sila sa iba’t ibang klase ng sakit, kaya kailangan nila ng proteksyon. Dapat may PhilHealth, SSS, Pag-IBIG ang mga riders,” wika ni Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, patuloy ang kanyang pakikipag-usap kay Bise Presidente Leni Robredo kung paano mabibigyan ng PhilHealth coverage ang mga rider upang mayroon silang sasandalan sa oras ng pagkakasakit.

Sa kabila ng kontribusyon ng motorcycle riders sa ekonomiya, sinabi ni Pangilinan na hindi makatarungan na wala silang benepisyo, health insurance at hindi sigurado ang kita.

Malaki rin ang naitutulong ng motorcycle riders para mabigyan ng murang masasakyan ang mga papasok sa trabaho, maliban pa sa paghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan.

“Karamay sila ng mga maliliit na negosyante at entrepreneurs sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Samakatuwid, pinadali nila ang buhay ng milyon-milyon nating mga kababayan sa panahong napakahirap lumabas, gumalaw, at maghanapbuhay,” giit ni Pangilinan.

Ikinalungkot din ni Pangilinan ang naunang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang motorcycle drivers ay saklaw lang ng contracts of service at walang job security.

Bago rito, tinawag ng isang grupo ng motorcycle riders si Pangilinan bilang nararapat na maging susunod na bise presidente ng bansa dahil katuwang siya sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga Pilipino.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with