^

Bansa

'APOR? Ano raw?': Mga pwede lumabas ng bahay ngayong ECQ 3.0 kilalanin

James Relativo - Philstar.com
'APOR? Ano raw?': Mga pwede lumabas ng bahay ngayong ECQ 3.0 kilalanin
Members of the Quezon City Police District continue to conduct checkpoint along the boundary of San Mateo, Rizal and Quezon City on Aug. 5, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Bilang pag-iingat sa paparaming bilang ng COVID-19 infections at pagkontrol sa mas nakahahawang Delta variant nito, ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila kasama ang iba pang mga probinsya ngayong Biyernes hanggang ika-20 ng Agosto.

Dahil dito, bawal lumabas ng bahay ang mga residente sa kabuuan kontra hawaan ng COVID-19, maliban na lang kung ika'y isang authorized persons outside of residence (APOR).

Pero sinu-sino nga ba sila?

Silipin natin ang bagong-labas na listahan ng National Task Force Against COVID19 ngayong araw: 

  • mga bumabiyahe para bumili ng pagkain, gamot, may appointment sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa  consular services, mga bumabiyahe para sa mga kadahilang medikal o humanitarian at 'yung mga magpapabakuna laban sa COVID-19

  • mga empleyado/manggagawa sa ospital, health, mga nasa emergency at frontline services gaya mga nagtratrabaho sa ospital, dialysis centers, chemotherapy centers, health maintenance organizations (HMOs), health insurance providers, pati na rin ang mga disaster risk reduction management officers, public safety officers at unipormadong mga kawani

  • mga empleyado/manggagawa sa pagmamanupaktura ng gamot at bitamina, medical supplies, devices at equipment kasama na ang mga supplier ng input, packaging at distribution

  • mga nagtratrabaho sa industriya ng agrikultura (ani, prutas, gulay, paghahayupan at manukan), forestry, palaisdaan at iba pang mga sangkap sa value chain ng pagkain pati na rin ang kanilang mga manggagawa, magsasaka at mangingisda

  • empleyado/manggagawa sa logistics service providers (delivery at courier services; cargo handling; warehousing; trucking; freight forwarding; shipping, port at terminal operators kasama ang mga contract sa port terminals at ancillary services)

  • empleyado at manggagawa sa essential at priority construction projects, alinsunod sa mga panuntunan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang mga contract, subcontractors at consultants ng Department of transportation (DOTr) para sa pagsasakatuparan ng "Build Build Build" projects

  • mga empleyado/manggagawang may may kaugnayan sa pagmamanupaktura ng pagkain at iba pang batayang pangangailangan gaya ng sabon, detergent, diaper, personal hygiene products, toilet paper, wet wipes at disinfectants

  • mga empleyado/manggagawang may kaugnayan sa pagmamanupaktura ng mga kagamitan o produktong kailangan para sa pagtatayo ng mga gusali o pagmimintena, gaya na lang ng semento, bakal at spare parts

  • mga empleyado/manggagawa sa mga essential retail trade and service establishments gaya ng mga palengke, supermarket, grocery store, convenience store, botika, hardware, office supplies, tindahan ng bisikleta, palabahan at bilihan ng tubig

  • mga emleyado/manggagawa sa mga naghahanda ng pagkain gaya ng kiosks, commissaries, restawran at karinderya, ngunit limitado lang sa take-out at delivery

  • mga empleyado/manggagawa sa mga pampubliko at pribadong financial service providers na may kinalaman sa pamamahagi ng government grants at ayuda

  • mga empleyado/manggagawa sa mga establisyamentong business process outsourcing (BPO), mga negosyong nagluluwas ng produktong pangkalakal, pati na rin ang mga aktibidad gaya ng pagminina at quarrying

  • mga tsuper, kundoktor, terminal workers ng pampublikong transportasyon

  • mga empleyado/manggagawa sa media, kasama na ang kanilang permanenteng kawani, reporter at mga field employees

  • mga empleyado/manggagawa kasama ang dentista (emergency cases lang), rehabilitation, doktor sa mata at iba pang klinikang gumagamot ng mga karamdaman at kapinsalaan

  • mga empleyado/manggagawa sa mga beterinaryo

  • mga empleyado/manggagawa sa mga bangko, serbisyong naglilipat ng pera kasama na ang mga sanglaan (para lang sa money transfer), micro finance institutions at mga credit cooperatives kasama ang kanilang armored vehicle services

  • mga empleyado/manggagawa sa capital markets kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities and Exchance Commission, Philippine Stock Exchange, Philippine Dealing and Exchange Corporation, Philippine Securities Settlement Corporation at Philippine Depository and Trust Corporation

  • mga empleyado/manggagawa ng water utilities kasama ang kanilang third-party contractors at service providers, building utility services, janitorial sanitation services at mga pasilidad kasama ang mga waste disposal services at property management services

  • mga empleyado/manggagawa sa mga energy sector establishments (langis, gas at kumpanya ng kuryente) at kanilang mga third-party contractors at service providers, kasama na ang mga electric transmission at distribution, electric power plant at line maintenance, electricity market at retail suppliers at yaong mga may kinalaman sa paggagalugad (exploration), operasyon, trading at pagpapadala ng anumang panggatong na gamit para lumikha ng power gaya ng mga gasolinahan, refineries, liquefied petroleum gas stations at mga depot

  • mga empleyado/manggagawa sa mga kumpanyang pangtelekomunikasyon, provider ng cable television, kasama na ang mga nagbibigay ng indirect services gaya ng technical, sales at iba pang support personnel, pati na rin ang mga empleyado ng kanilang third-party contractors na nagsasagawa ng sales, installation, maintenance at pagkukumpuni

  • mga empleyado/manggagawa sa airline at aircraft maintenance, mga piloto at crew kasama ang mga empleyado ng aviation schools para sa palagiang pag-eensayo ng mga piloto para sa flight proficiency at type rating gamit ang simulator facilities; kasama na rin dito ang mga kapitan ng barko at kanilang crew pati na ang shipyard operations at repair

  • mga manggagawa/empleyado sa mga punerarya at serbisyong pag-eembalsamo

  • security personnel na lisensyado ng Philippine National Police (PNP) - Supervisory Office for Security and Investigation Agencies

  • mga empleyado/manggagawa sa mga establisyamenting nag-iimprenta na otorisado ng Bureau of Internal Revenue at yaong mga kinokontrato ng iba pang mga ahensya ng gobyerno

  • mga empleyado/manggagawang may kinalaman sa pagkukumpuni at pagmimintena ng mga makinara at kagamitan para sa mga kabahayan at establisyamentong pinapayagang patakbuhin sa ilalim ng ECQ

  • mga empleyado/manggagawang may kinalaman sa pagkukumpuni at pagmimintena ng motorized at non-motorized vehicles, kasama na ang pagbebenta ng mga spare parts

  • mga empleyado/manggagawa sa pagpapaupa ng real at personal properties

  • mga empleyado/manggagawa sa recruitment at placement sector

  • mga guro, propesor at iba pang kawani para sa pagsasagawa ng online/offline at flexihble classes, pagkukumpleto ng mga grado at pagproproseso ng student credentials, rekisitos at mga dokumento

  • mga abogado kapag hinihingi ng harapang legal representation para maprotektahan ang karapatan ng mga tao (natural o juridical)

  • mga empleyado/manggagawa ng lahat ng iba pang mga establisyamento, pero kung kakailanganin lang para sa pagbili at pagbebenta ng consumer goods o serbisyo sa pamamagitan ng internet sa ngalan ng isang establisyamento

  • mga manggagawa/empleyado sa mga ahensya at instrumenties ng gobyerno na obligadong magtrabaho nang harapan, kasama ang mga opisyal ng gobyerno at mga empleyadong nasa "official travel"

  • mga opisyales at empleyado ng foreign diplomatic missions at international organizatins na accredited na DFA

  • mga empleyado/manggagawa sa hotel at accomodation establishments na pinapayagang mag-operate habang ECQ sa ilalim ng mga panuntunan ng Department of Tourism (DOT)

  • mga pastor, pari, rabbi, imam at iba pang ministrong relihiyoso at kanilang mga katuwang sa pagsasagawa ng serbisyong relihiyoso sa pamamagitan ng online video recording at transmission, o pangunguna sa mga necrological services, burol, cremation at libing

  • payroll managers at iba pang mga empleyadong kinakailangan para magproseso ng sweldo o sahod

  • mga otorisadong humanitarian assitance actors (HAAs), lalo na ang mga naglilipat ng medical supplies at laboratory speciments na may kaugnayan sa COVID-19 at iba pang relief and humanitarian assistance

  • mga taong papunta at galing sa mga paliparan, kasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na may dalang overseas employment certificates

  • mga umuwing OFW o mga overseas Filipinos na inisyan ng Bureau of Quarantine/Department of Health quarantine certificate na papunta sa kanilang pinal na destinasyon sa Pilipinas

  • mga empleyado/manggagawa sa mga pribadong shuttle services na nagseserbisyo sa mga establisyamentong pinahihintulutang tumakbo habang ECQ

Anong mga dapat dalhin ng APOR?

Para sa mga nabanggit na APORs, kailangan nilang magpresenta ng mga sumusunod para pahintulutan sa labas:

  • ID na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF)
  • valid ID o dokumentasyon mula sa mga establisyamentong pinapayagan tuwing ECQ
  • local IDs/quarantine pass para sa mga consumer APOR kung hihingiin ng local government units (LGUs)

 

 

Una nang sinabi ng PNP nitong Huwebes na pwede na uling maghatid-sundo ng mga APOR ang mga non-APOR habang ipinatutupad ang ECQ sa Metro Manila at iba pang mga lugar na naka-lockdown. Sa kabila nito, may mga dokumentong hihingiin sa kanila ang mga otoridad.

Sa huling ulat ng DOH kahapon, umabot na sa 1.62 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 28,427 na ang namamatay.

DELTA VARIANT

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

EXPLAINER

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with