_ngayon
^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa 1.62-M na isang araw bago ang ECQ 3.0 sa NCR

Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa 1.62-M na isang araw bago ang ECQ 3.0 sa NCR
Individuals hoping to get inoculated with COVID-19 vaccine flock to a mall in Antipolo City on Thursday, Aug. 5, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng [x] bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Huwebes, kung kaya't nasa [x] milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso 1,627,816

  • Nagpapagaling pa: 66,895, o 4.1% ng total infections

  • Kagagaling lang: 4,343, dahilan para maging 1,532,494 na lahat ng gumagaling 

  • Kamamatay lang: 196, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa  28,427

116 bagong Delta variant cases

  • Nadagdagan pa lalo nang ng 116 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant cases ang Pilipinas, ayon sa bagong batch ng whole genome sequencing na inilabas ng DOH, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health ngayong araw. Dahil dito, umabot na sa 331 ang Delta variant cases sa Pilipinas.

  • Ngayong araw din naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 cases sa Pilipinas (66,895) sa nakalipas na 95 araw. Huling mas mataas ang bilang diyan noong ika-3 ng Mayo.

  • Maaari na uling ihatid-sundo ng mga non-authorized persons outside residence (APOR) ang mga APOR oras na ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) simula Biyernes, paliwanag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Gayunpaman, may mga dokumentong kailangang tiyakin ang magmamaneho para sa naturang tao.

  • Ipinatutugis naman ngayon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nagpapakalat ng fake news na magbibigay lang ng lockdown ayuda para sa mga bakunado laban sa COVID-19. Aniya, makatatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 ang bawat pamilya sa ECQ areas gaya ng Metro Manila bakunado man o hindi.

  • Umabot naman na sa 10 milyon ang nakakukuha ng kumpletong doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, isang araw bago magbalik ang ECQ sa Metro Manila, pagmamalaki ni presidential spokeseperson Harry Roque.

  • Umabot na sa 199.46 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.24 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DELTA VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with