^

Bansa

CPP-NPA magagaya sa sinapit ng German ‘Nazis’ – Palasyo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi matatakasan ng mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang sinapit ng mga German Nazis na nilitis at naparusahan dahil sa kanilang mga krimen na nagawa noong World War II.

Naihayag ito ni Roque matapos mailabas ang mahigit sa 1,500 umano’y krimen at mga paglabag sa mga International Humanitarian Law (IHL) ng CPP-NPA-NDF, na ngayong ay kilala na bilang communist terrorist group (CTG).

“I’m sure po na gaya ng mga Nazis na maraming nagtago, ’yung iba uugod-ugod na e nahuli pa rin sila and 50 years later pinanagot pa rin sila. Kampante po ako na hindi po makakawala sa kanilang mga krimen ang mga CPP-NPA,” ani Roque.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng anunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) na iimbestigahan nito ang listahan ng mga paglabag sa IHL na isinumite ng Armed Forces of the Philippines-Center for the Law on Armed Conflict (AFP-CLOAC) sa ilalim ni BGen. Jose Alejandro Nacnac.

Noong nakalipas na linggo isinumite ni Nacnac kay CHR Commissioner Karen Dumpit ang listahan ng mga krimen kabilang ng daan-daang umano’y pagpatay ng CTG sa loob ng nakalipas na 10 taon. Kabilang dito ang 532 inside ng paninira ng mga pribadong ari-arian, pagpatay sa 77 sundalo, 296 sibilyan at 464 pagdukot sa mga kabataan upang sapilitang gawing child warriors.

vuukle comment

CPP-NPA-NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with