^

Bansa

Bank account sa bawat Pinoy isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Win Gatchalian ang pagkakaroon ng bank account sa bawat Filipino sa buong bansa para mapabilis at maging maayos ang sistema ng pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno sa mga darating na panahon.

Ayon kay Gatchalian, ngayong mayroon nang national ID, ay ihahain niya ang panukalang may kaugnayan dito o ang “One Filipino, One Bank Account” na naglalayong maging mandatory na bigyan ng gobyerno ang lahat ng Filipino ng bank account.

Kapag mayroong pandemya ay magre-remit na lamang sa bank account at dito ilalagay ang ayuda mula sa gobyerno at bahala na ang mga benepisyaryo kung saan ito gagamitin.

Idinagdag pa ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions and Currencies, ang pagkakaroon ng bank account ngayon ay hindi na dapat ituring na luho,kundi basic requirements sa batas Filipino sa bansa anuman ang kanyang katayuan sa buhay.

Makakatulong din umano sa bawat Filipino ang pagkakaroon ng bank account lalo na sa contactless at cashless payments gamit ang cellphone na maaari ring magsilbing digital wallet.

Sa ganitong paraan din umano ay maiiwasan ang hawahan ng virus.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with