^

Bansa

Ang Pilipino Star Ngayon sa nakalipas na 35 taon!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatiling nakatayo, matatag at buhay na buhay sa sirkulasyon ng pamamahayag ang Pilipino Star Ngayon na handang makapagbahagi pa ng mga ma­kabuluhang kuwento at mga anggulo ng buhay na ibinatay sa tunay na mga pangyayari na hindi inangguluhan lamang, ika nga ng iba ‘hindi bias’.

‘Yan ay isa lamang sa dahilan kung bakit tinatangkilik ang Pilipino Star Ngayon, na ayon sa suki ng diyaryo ‘disente at pinagkakatiwalaang basahin, ‘yan naman ang mahalaga sa mga naghahanap ng katotohanan, yung hindi siya bias, para hindi maligaw ng paniniwala ang mga tao.”

Malaking responsibilidad para sa PSN na ibigay sa publiko ang inaasahan nilang ‘katotohanan’, ang tunay na misyon na maging boses ng taumbayan.

Tsismoso’t-tsismosa raw ang mga journalist, ayon sa mga indibiduwal na umaaray kapag ‘nababanatan’ at naibunyag ang itinatagong katotohanan, pero mali sila, mas akma sa mamamahayag ng PSN na ikumpara sa closed circuit television, na nagrerekord lang at nagpapalabas ng eksaktong pangyayari.

 Pinanghahawakang basehan at inspiras­yon sa pagpapatuloy na maging bantay at boses ng bayan ang katiba­yan na ‘Numero Uno’ sa masa ang PSN at hindi nawawala sa newstand kahit pa sa itinuturing ngayon na pinakamatinding dagok sa pandaigdigang ekonomiya-ang coronavirus disease 2019 pandemic.

Hindi limitado ang readers ng PSN dahil naabot nito ang lahat ng sulok ng mundo sa pamamagitan ng online newspaper o sa Philstar.com website. Patok na patok ang online edition ng PSN sa mga kababayang nagtatrabaho at naninirahan sa ibayong dagat dahil updated sila sa isang pindot lang.

Maaasahan ng rea­ders ang tumpak na detalye dahil official reports ang pinagbabasehan ng mga ulat at mga  eksaktong kaganapan na pinagsisikapang makuha mula sa mga taong sangkot, saksi at nakakaalam ng bawat usapin.

Sinusundan ang mga sumusunod pang pangyayari at inaalam kung may pagbabago o development para mabuo ang tunay na kuwento na inaabangan ng mga mambabasa ng PSN.

Sa kabila ng pan­demya, nagsisikap ang buong tropa at pamunuan ng PSN na manati­ling nakatayo kahit may dalang alalahanin sa panganib na tamaan ng COVID-19 sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa pagsaliksik ng mga nangyayari sa kapaligiran upang maiparating sa publiko.

Walang tagumpay kung walang hamon. Hamon ang kritikal na sitwasyong ito para masukat ang katatagan ng PSN na umabot sa ika-35 anibersaryo, na si­nuong ang mahigit isang taon nang paglatay sa ekonomiya ng kinatatakutang virus.

Ang karanasan at patuloy na nararanasang pandemya ay hindi magiging dahilan para hindi maitawid pa sa maraming taon ang PSN.

Tumatayong kalasag ang pagiging inspiras­yon ng dumarami pang mambabasa ng PSN upang tumayo at patuloy na maglingkod

 

 

 

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with