^

Bansa

Pinas nasa 2nd wave na ng COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas nasa 2nd wave na ng COVID-19
“Yes, this could be considered as a second wave kasi in terms of peak, pataas talaga ulit tayo. I hope na itong second wave ay hindi mas mataas ang peak kaysa sa first. Sa ibang bansa, ‘yung kanilang sumunod na wave ay mas mataas talaga sa first,” ayon kay Jomar Rabajante, miyembro ng grupo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaari na umanong ituring na second wave ang panibagong pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang pumalo ang mga ‘fresh cases’ sa 5,000 nitong nakaraang Sabado, ayon sa University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team.

“Yes, this could be considered as a second wave kasi in terms of peak, pataas talaga ulit tayo. I hope na itong second wave ay hindi mas mataas ang peak kaysa sa first. Sa ibang bansa, ‘yung kanilang sumunod na wave ay mas mataas talaga sa first,” ayon kay Jomar Rabajante, miyembro ng grupo.

Mula 5,000, may projection pa ang grupo na maaaring umakyat ang mga arawang bagong kaso sa 7,000 hanggang 7,500 o kaya naman ay bumaba sa 2,000.

Maituturo ang pagtaas ng mga bagong kaso sa mas aktibong galawan ngayon ng mga tao sa mga lugar na malaki ang populasyon at ang nagsulputang mga variants ng COVID-19.

Sa pagkakataong ito na pagod na ang mga tao sa lockdown, sinabi ni Rabajante na kailangan na magkaroon ng tamang istratehiya ang pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng virus.

Mas dapat umanong pagtuunan ng gobyerno ang pagbibigay ng edukasyon sa publiko upang sila na mismo ang magkusa na disiplinahin ang mga sarili.

Ang pahayag ng UP-PRT ay taliwas sa sinasabi ng World Health Organization (WHO) nitong Marso 9 na wala pang 2nd wave sa Pilipinas at ang pagtaas ng mga kaso ay pagpapatuloy lang ng “spike” ng kasalukuyang wave sa bansa.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with