^

Bansa

DOH: Lagpas 11,000 todas sa COVID-19 sa bansa; kaso umakyat na sa 533,587

Philstar.com
DOH: Lagpas 11,000 todas sa COVID-19 sa bansa; kaso umakyat na sa 533,587
Nagkasuot ng face mask ang mga taong ito habang namimili sa gitna ng COVID-19 pandemic
Philstar.com/Irish Lising, File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng karagdagang 1,894 kaso ng coronavirus disease ngayong Biyernes ayon sa Department of Health, dahilan para pataasin nito ang kabuuang bilang ng dinapuan ng nakamamatay na sakit sa 533,587.

Aktibong kaso, o nagpapagaling pa rin, sa bilang na 'yan ang nasa 34,255 magpahanggang sa ngayon.

Umabot naman sa 61 ang kamamatay lang sa COVID-19 dahilan para tumalon patungong 11,058 lahat-lahat ng mga pumanaw dito. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 488,274 na dati'y nadali ng pathogen.

Anong bago ngayong araw?

  • Binago ng gobyerno ang listahan ang prayoridad nito na bigyan ng COVID-19 vaccine oras na dumating ito ng Pilipinas. Kasama sa mga naidagdag sa pagkakasunod-sunod ang mga may dati nang sakit (comorbidities), guro, social workers, essential workers, overseas Filipino workers, atbp. "Because of the limited supply of COVID vaccines globally, we need to do prioritization. Kaya kailangan natin i-list ang lahat ng at-risk, lahat ng vulnerable, para sila yung umpisahan natin at tayo ay magkaroon ng maayos na pagbabakuna," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina.

 

 

  • Inilinaw ng DOH at Department of Transportation ngayong araw na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga taong nakasakay sa parehong sasakyan kahit na nakatira sila sa iisang bahay. Tanging mga nagmamaneho lang nang walang kasama ang pinapayagang bumiyahe nang walang mask.

 

  • Muli namang ipinaalala ng DOH na maaaring magbigay ng COVID-19 tests ang mga pasilidad na mas mura kumpara sa price range na binigay noon ng gobyerno. Matatandaang hanggang P5,000 lang ang pinapayagang singil sa pribadong pasilidad habang P3,800 lang ang pinakamahal na pwedeng singilin ng government centers.

 

  • Umaabot na sa halos 104 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, mahigit 2.3 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with