^

Bansa

Pinas no. 1 sa paggamit ng social media

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas no. 1 sa paggamit ng social media
Sa Digital 2021 report ng socially-led creative agency na “We Are Social” at social media management platform na “Hootsuite”, tumatagal ng halos 11 oras ang mga Pilipino sa internet, apat na oras dito ay nakatutok sa iba’t ibang social media platforms.
AFP

MANILA, Philippines — Nanguna ang Pilipinas sa buong mundo sa haba ng oras na ginugugol ng mga Pinoy sa paggamit ng internet at social media sa bawat araw.

Sa Digital 2021 report ng socially-led creative agency na “We Are Social” at social media management platform na “Hootsuite”, tumatagal ng halos 11 oras ang mga Pilipino sa internet, apat na oras dito ay nakatutok sa iba’t ibang social media platforms.

Ayon sa pag-aaral, ang mga Pinoy ay mayroong average na 4 oras at 15-minuto kada araw sa paggamit ng social media. Tumaas ito ng 22-minuto kumpara sa Digital 2020 average na 3 hours and 53 minutes. 

Mataas ito kumpara sa global average para sa social media usage na 2 oras at 25 minuto.

Ang Pilipinas din ang nanguna sa “daily time spent” sa paggamit ng internet na may average na 10 oras at 56 minuto. Tumaas ito kumpara sa Digital 2020’s average na 9 oras at 45 minuto.

Higit ding mas mataas ito sa global average para sa internet usage na 6 oras at 54 minuto.

Dahil dito, tumaas din sa 80.2 porsyento ang “e-commerce adoption” ng Pilipinas nitong 2021 kum­para sa 76% noong 2020. Na­ngangahulugan ito na mas marami nga­yong mga Pinoy netizen ang sangkot sa mga negosyo at trabaho gamit ang internet.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with