P100K multa sa customers na magkakansela ng delivery orders
MANILA, Philippines — Para mabigyan ng proteksyon ang mga delivery riders, isinusulong ni Sen. Lito Lapid na maparusahan ang mga customers na paulit-ulit na nagkakansela ng kanilang orders.
Sa Senate bill 1677 ni Lapid, makukulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan at pagmumultahin ng hanggang P100,000 ang customers na makaka-tatlong beses sa loob ng isang buwan na walang katwiran na pagkansela ng kanyang delivery na pagkain o grocery na binayaran ng delivery rider o driver.
Paliwanag ni Lapid, dapat parusahan ang mga nanloloko na sumasayang ng oras at pera ng mga riders na matinong nagtatrabaho at sumusuong sa panganib ngayong may COVID-19 pandemic .
Sa ilalim din ng panukala, oobligahin ang mga service providers na i-reimburse sa kanilang mga riders o drivers na nag-abono at kinanselahan ng orders.
Kapag hindi ni-reimburse ay pagmumultahin ang mga service providers ng hindi lalampas sa P500,000 at doble ang babayaran re-imbursement sa rider o driver.
Para maiwasan naman ang kanselasyon, dapat mapagpatupad ang service providers ng Know Your Customer (KYC) rules kung saan kukunin dito ang identity ng mga customers at address.
- Latest