Kinunan ng dugo ng medical worker ang isang motorista sa ginanap na drive-thru blood testing sa Medical City sa Ortigas, Pasig City. Ang drive thru testing ay gumagamit ng ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Imuunooassay), ang pinaka-reliable na COVID-19 antibody test na sinertipikahan ng Food and Drug Administration (FDA) ng US at Pilipinas.
Michael Varcas
Transaksiyon sa PNP gagawing drive thru para iwas-COVID
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para iwas COVID-19 ay magpapatupad ang Philippine National Police ng drive-thru transactions sa lahat ng frontline ser-vices ng ahensiya.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancra­tius Cascolan, isusumi­te niya kay PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang dokumento para aprubahan at mapigilan ang second wave ng COVID-19.

Ang nasabing hakbang ay paraan din anya para mapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis sa gitna ng pandemic.

Ayon kay Cascolan, ang mga frontline services tulad ng pagkuha ng lisensya ng baril o clearance sa sasakyan ng HPG sa Camp Crame ay maaaring gawing drive thru na lang para ma-minimize ang physical contact.

Pwede rin aniyang maglagay na lang ng “drop box” sa gate ng Crame para sa may mga kaila-ngang isumite ng dokumento tulad sa pagkuha ng permit at lisensya ng mga guwardya at security agency.

Paliwanag ni Cascolan, ang pinaka-epektibo kasing paraan para maiwasan ang pagkahawa ng kanilang mga tauhan ay bawasan ang face-to-face contact.

Kaya maging ang mga ibang transaksyon sa publiko na pwedeng gawin sa pamamagitan ng internet o yung “virtual transactions” ay kanila ring ipapatupad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with