^

Bansa

Papel ng media ‘crucial’ sa laban vs fake news – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Papel ng media �crucial� sa laban vs fake news � Pangulong Marcos
Nag-alay ng kandila ang mga miyembro ng media para ihingi ng hustisya ang mga napatay at nakulong na mga journalists sa paggunita nitong Biyernes sa World Press Freedom day na ginunita sa pamamagitan ng isang rally sa Boy Scout Circle, Quezon City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang katapangan at ang mahalagang ginagampanan ng mga mamamahayag para labanan ang mga maling impormasyon.

Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day nitong Biyernes, kung saan binigyan nito ng pagpapahalaga ang media industry at kinilala ang mga hamon na kinakaharap ng mga mamamahayag sa Pilipinas.

Ayon pa kay Marcos, sa Bagong Pilipinas ay pinagdiriwang ang mga journalists dahil sa kanilang unbiased reports, at nananalig sa kanila para maipagpatuloy ang katotohanan at transparency.

“As the fourth pillar of our democracy, their words serve as our strongest defense against misinformation and fake news. Now, more than ever, their commitment to their work is crucial,” ayon pa sa Pangulo.

Ayon sa Malakanyang, kamakailan lamang ay naging biktima ang Pangulo ng anya ay disinformation campaign sa pamamagitan ng audio recording na kanyang ipinapag-utos sa militar na kumilos laban sa isang bansa.

Hinihinala naman ng Presidential Communications Office na isang foreign actor ang nasa likod ng recording.

Ang Mayo 3 ay idineklara ng United Nations General Assembly  bilang “World Press Freedom Day” para magbigay ng kaalaman sa kahalagahan ng freedom of the press at right to freedom of expression.

vuukle comment

WORLD PRESS FREEDOM DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with