^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa sumirit sa 37,514 sa huling araw ng Hunyo

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa sumirit sa 37,514 sa huling araw ng Hunyo
Makikitang balik-operasyon ng UV Express na ito na biyaheng Antipolo-Ayala noong ika-29 ng Hunyo, 2020 matapos muling pahintulutan sa gitna ng general community quarantine (GCQ) sa Rizal at Metro Manila
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Updated 6:25 p.m.) — Muling umakyat ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas kasabay ng pagsasara ng buwan ng Hunyo, ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH).

Lunes nang ianunsyo ng DOH ang 1,080 panibagong kaso ng nakamamatay na virus sa bansa, dahilan para umabot na sa 37,514 ang tinatamaan nito.

'Yan ay mula sa 858 "fresh" cases at 222 "late" cases na naidagdag sa talaan matapos ilabas ang resulta sa mga pasyente sa nakalipas na tatlong araw at apat na araw pataas.

"May kataasan po ang naitala nating bilang ng fresh cases ngayong araw na ito, lalong lalo na po sa Region 7," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

 

"Kaya po sa kasalukuyan, atin pong pinag-aaralan kung ano po ang mga naging dahilan sa mga kasong ito."

Nanggaling ang mga panibagong kasong iniulat mula sa mga isinumite ng 57 sa 67 licensed laboratories. Dahil diyan, maaari pa itong madagdagan oras na ihabol ng iba pang laboratoryo ang kanilang mga resulta't listahan.

Batay sa mga datos kahapon na ngayon lang inilabas, sinasabing 25,227 ang aktibong kaso ngayon. Ang mga active cases ay yaong mga hindi pa gumagaling o namamatay mula sa sakit.

Kung hahati-hatiin, narito ang itsura ng mga aktibong kaso:

- 942 asymptomatic (3.7%)
- 24,137 mild (95.7%)
- 122 severe (0.5%)
- 26 critical (0.1%)

Samantala, patay naman mula sa virus ang 11 iba pa, dahilan para umabot sa 1,266 ang kabuuang death toll sa Pilipinas.

"Siyam po rito ay naitala na pumanaw ngayong buwan ng Hunyo," wika pa ni Vergeire.

Sa kabila niyan, gumaling na sa sakit ang 10,233 sa ngayon. Mas marami 'yan nang 277 kumpara sa mga nai-report kahapon.

Kanina lang nang magbunyi si presidential spokesperson Harry Roque na "nanalo" ang bansa laban sa 40,000 case prediction ng UP experts sa pagtatapos ng Hunyo.

"Panalo na tayo. We beat the UP prediction so congratulations Philippines. Let's do it again in July. So we are winning," sabi niya, habang hinahamon ang 60,000 case prediction ng mga dalubhasa bago matapos ang Hulyo.

Ngayong araw din nakatakda ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawing pagbabago sa community quarantine na umiiral laban sa COVID-19, bagay na inaabangan nang marami kung magluluwag o muling maghihigpit ng lockdown.

Kasalukuyang nasa pinakamahigpit na lockdown ang Philippine epicenter ng virus, na tinukoy bilang Lungsod ng Cebu.

BASAHIN: Cebu City, bagong epicenter ng COVID-19

Sa ngayon, pumalo na sa lampas 10 milyon ang nadadali ng pathogen sa buong mundo, ayon sa pinakabagong ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 499,913 na ang patay.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with