OCD exec sinibak ni Duterte, DICT usec nagbitiw
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Office of the Civil Defense (OCD) dahil sa “loss of trust and confidence”.

Sa inilabas na statement ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inanunsiyo nito na sinibak ng Pangulo si OCD Assistant Secretary Kristoffer James Purisima.

“The Palace confirms that Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kris­toffer James Purisima has been relieved from his post effective immediately due to loss of trust and confidence,” pahayag ni Roque.

Walang ibinigay na detal­ye pa si Roque sa pagsibak sa opisyal. Wala pa rin aniyang napipili ang Pangulo na kapalit ni Purisima.

Tiniyak ni Roque na maayos naman ang OCD sa pamumuno ni Undersecretary Ricardo Jalad at patuloy ang kanilang gawain katulad nang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at maging sa ginagawa ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

Sinabi rin ni Roque na tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) Undersecretary Eliseo Rio, Jr.

Nagpapasalamat ang Palasyo sa malaking serbisyo ni Rio sa bansa. Wala ring binanggit kung bakit nagbitiw sa puwesto si Rio.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with