^

Bansa

Pinay sa Kuwait 'todas sa misis ng amo'; DFA nanggaaiti

James Relativo - Philstar.com
Pinay sa Kuwait 'todas sa misis ng amo'; DFA nanggaaiti
"Ang patuloy na insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga Filipino domestic workers sa Kuwait ay paglabag sa intensyon ng kasunduang nilagdaan noong Mayo 2018 na naglalayong itaguyod at protektahan ang kanilang kapakanan."
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign ang pagkakapaslang sa isang overseas Filipino worker, Lunes ng gabi. 

"Labis na kinukundena ng [DFA] ang pagpatay diumano ng misis ng employer sa isa na namang domestic worker sa Kuwait," sabi ng pamahalaan sa isang pahayag sa Inggles.

"Ang patuloy na insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga Filipino domestic workers sa Kuwait ay paglabag sa intensyon ng kasunduang nilagdaan noong Mayo 2018 na naglalayong itaguyod at protektahan ang kanilang kapakanan."

 

 

Pebrero taong 2018 nang magpataw ng deployment ban si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait kasunod ng mga ulat ng pang-aabusong dinaranas ng mga Pilipino doon mula sa kanilang mga pinagtratrabahuhan.

Sinundan ito ng pagkakalagda ng isang memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait upang pahusayin ang kondisyon ng mga Pilipinong kasambahay sa nasabing bansa.

Nakikipag-ugnayan na sa Kuwaiti authorities ang Embahada ng Pilipinas sa Kuwait upang tiyaking maibibigay ang katarungan sa panibagong biktima.

"Ipinatawag na ng DFA ang Kuwaiti Ambassador sa Maynila upang ipahiwatig ang galit ng Gobyerno sa animo'y kawalan ng proteksyon sa ating domestic workers sa kamay ng kanilang employers," dagdag ng departamento.

Itinutulak din ngayon ng pamahalaan ang pagkakaroon ng transparency sa imbestigasyon ng kaso at mabilis na pagpaparusa sa mga salarin.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KUWAIT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with