^

Bansa

Unang kaso ng sakit sa baga dahil sa e-cigarette sa Pilipinas naiulat

Philstar.com
Unang kaso ng sakit sa baga dahil sa e-cigarette sa Pilipinas naiulat
Ang unang pinaghihinalaang kaso ng EVALI ay mula sa 16-anyos na babae mula Central Visayas na nagsimulang gumamit nito noong Marso 2019.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Naidokumento na ng Department of Health ang pinakaunang kaso ng "electronic-cigarette or vaping product use associated lung injury" o EVALI.

Ang unang pinaghihinalaang kaso ng EVALI ay mula sa 16-anyos na babae mula Central Visayas na nagsimulang gumamit nito noong Marso 2019.

Isinusulong ngayon ng DOH ang tuluyang pagbabawal sa e-cigarettes, o "vape," matapos sabihin na na-eeexpose ang mga tao sa banta sa kalusugan.

Sa ulat ng ANC, nakikipag-ugnayan na ang DOH at Food and Drug Administration sa attending physician mula sa Region VII upang malaman ang mga karagdagang detalye sa kaso.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nasa 1% Pilipino na raw ang gumagamit ng vape.

Ilang bahagi na ng Estados Unidos ang nagbawal na o nag-regula rito, matapos mamatay ang 39 katao mula sa vaping-related lung illnesses.

Nitong Martes, matatandaang sinertipikahan na bilang "urgent" ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong panukala na magpataw ng panibagong excise tax sa mga vape, sigarilyo at alak "alang-alang sa kalusugan ng publiko," at para makalikom ng karagdagang pondo para sa Universal Health Care Act.

Ngayong Nobyembre, sinimulan na ring ipagbawal ng Lungsod ng Pasay ang paggamit ng vape sa pampublikong lugar. — James Relativo at may mga ulat mula kina Gaea Katreena Cabico, The STAR/Sheila Crisostomo

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

ELECTRONIC CIGARETTE

LUNG ILLNESS

UNIVERSAL HEALTH CARE ACT

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with