Sinabi ni IAS Director Atty. Alfegar Triambulo na isinusulong nila na ma­ging independent katulad ng mga IAS sa ibang bansa na hiwalay sa isang police organization kaya matibay at kinatatakutan ng mga tiwaling pulis.
Geremy Pintolo/File
IAS gusto nang humiwalay sa PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Gusto nang humiwalay ng Internal Affairs Service (IAS) sa Philippine National Police (PNP) at maging isang independent body upang maim­bestigahan umano nila ng maigi at maparusahan ang mga tiwaling pulis.

Sinabi ni IAS Director Atty. Alfegar Triambulo na isinusulong nila na ma­ging independent katulad ng mga IAS sa ibang bansa na hiwalay sa isang police organization kaya matibay at kinatatakutan ng mga tiwaling pulis.

Paliwanag pa ni Triambulo, wala umanong kakayahan ang IAS sa ngayon na protektahan ang mga testigo laban sa mga tiwaling pulis dahil ang hinahawakan nila ay kasong administratibo at hindi kasong kriminal.

“Kaya nga gusto namin hingin sa Senado na bigyan po kami ng tinatawag na proteksyon ng witness kasi pag nasampa na nila (case) sa IAS, nagtatago sila dahil hina-hunting daw sila. Maraming gustong magsalita laban sa katiwalian sa pulis natin, pero natatakot kasi wala nga kaming ibinibigay na proteksyon sa kanila,” ani Triambulo.

Binigyang diin nito na kung hihiwalay sila sa PNP ay mas magiging malakas ang kanilang kapangyarihan at maging ang Chief PNP ay kaya nilang irekomendang tanggalin sa puwesto kung may isyu ng mga katiwalian.

Nabatid pa na ang lahat ng mga rekomendasyon ng IAS sa kaso ng mga pulis na kanilang nililitis ay dumadaan pa sa tanggapan ng Chief PNP bago aprubahan.

Ibinulgar pa nito na noong panahon ng panu­nungkulan ni PNP Chief at ngayon ay Sen. Roland dela Rosa lahat ng kaniyang rekomendasyon ay agad nitong inaaprubahan na walang kinukuwestiyon.

Sa pag-upo umano ni Albayalde ay dumaraan pa sa pagrerebisa ng tanggapan ng Disciplinary Law and Order Division (DLOD) ng PNP-Directorate and Record Management ang mga rekomendasyon ng IAS laban sa mga nilitis na rogue cops.

ALFEGAR TRIAMBULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with