^

Bansa

DILG buwisit na sa pasaway na brgy. officials

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nairita na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa mga barangay officials na matitigas ang ulo at hindi nakikipag-cooperate sa household data collection drive ng pamahalaan, kaya’t binalaan ang mga ito na papatawan ng pinaka-istriktong parusa dahil sa patuloy na pagkabigong tumalima sa kanilang naturang kampanya.

Pinaalalahanan rin ni Diño ang mga natu­rang barangay officials hinggil sa kanilang mandato na ipasilidad ang “Listahanan’’ campaign, o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), na siyang data collection system ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at may alokasyong P2.7 bilyon. 

Sa ilalim ng “Listahan,’’ na ang ikatlong assessment ay inilunsad ng DILG at DSWD nitong Lunes, matutukoy na ng pamahalaan kung sino at saan matatagpuan ang mga pinakamahihirap na residente sa may 42,000 barangays sa bansa. 

Nais naman ni Diño na magbigay ng full cooperation ang mga barangay officials at mga community members sa naturang proyekto, na inilunsad ng national government sa layu­ning mapaghusay ang pagbibigay ng pamahalaan ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.

 Iginiit ng opisyal na walang sinumang barangay officials ang dapat na tumutol, magbalewala o magsangtabi sa kanilang responsibilidad sa pagsuporta sa Listahan campaign.

 Pinaalalahanan naman ni Diño ang mga barangay officials na umasiste lamang sa mga field personnel ng DSWD ngunit hindi sila dapat na makialam sa gagawing data collection processes ng mga ito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with