^

Bansa

Palasyo kay Sen. Poe: ‘Mag-endorso ka ng traffic expert’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Palasyo kay Sen. Poe: ‘Mag-endorso ka ng traffic expert’
Pinaparinggan noon ni Duterte si Poe dahil sa pagsagka sa pagsisikap ng pamahalaan na makakuha ng pondo para maayos ang problema sa trapiko makaraang paulit-ulit na tanggihan ng senadora ang panawagang bigyan ng emergency power ang Pangulo para malutas ang masikip na daloy ng trapiko.
Facebook/Grace Poe, File

MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ng Malakanyang si Sen. Grace Poe na magmungkahi ito ng traffic expert na lulutas sa masikip na trapiko sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring kumuha ng isang traffic expert ang administrasyong Duterte para tumulong malutas ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila. ?

Sinabi ni Panelo na ikokonsidera ng pamahalaan ang lahat para malunasan ang mga traffic jam sa EDSA na nagsasayang ng tinatayang P2.4 bilyon araw-araw sa ekonomiya.

“Ikokonsidera ng pamahalaan ang lahat ng bagay para malutas ang problema ng trapiko sa EDSA,” sagot ni Panelo nang hingan ng komento sa panawagan ni Poe na kumuha ng isang eksperto na hahawak sa problema.

Idinagdag ni Panelo na malaya si Poe na magmungkahi ng taong haharap sa problema makaraang sabihin ng senador na dapat ikonsidera ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga ng isang traffic expert kasabay ng paggigiit na hindi kailangan ang emergency power. 

“Baka me naiisip na tao si Senador Grace. Sana sabihin niya kung sino,” sabi ni Panelo.

Tila inis na sa problema sa trapiko sa kalak­hang Maynila na nasabi noong nakaraang buwan ni Duterte na hayaan na lang “mabulok” ang EDSA.

Pinaparinggan noon ni Duterte si Poe dahil sa pagsagka sa pagsisikap ng pamahalaan na makakuha ng pondo para maayos ang problema sa trapiko makaraang paulit-ulit na tanggihan ng senadora ang panawagang bigyan ng emergency power ang Pangulo para malutas ang masikip na daloy ng trapiko.

Sa naturang emergency power, mabilis na makakakuha ang pamahalaan ng procurement method para sa infrastructure project na lulutas sa problema sa trapiko.

vuukle comment

POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with