Gina Lopez pumanaw
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumanaw na kahapon ng alas-4:15 ng madaling-araw si anti-mining, environment activist at dating Environment Secretary Regina “Gina” Lopez sa edad na 65 anyos.

Bumigay ang katawan ni Lopez sa multiple organ failure sa Makati Medical Center makaraang makipag­laban sa sakit na brain cancer.

Itinalagang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources Secretary si Lopez noong 2016 pero hindi siya tumagal sa panunungkulan dito dahil sa pagtanggi ng Commission on Appointment sa kanya noong 2017.

Bago siya napunta sa DENR, aktibo si Lopez sa iba’t-ibang civic work, naging yoga missionary, managing director ng ABS-CBN Foundation at nagtatag ng hotline na Bantay Bata 163.

REGINA “GINA” LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with