Sa ilalim ng RA 11371, isang bahagi ng Malampaya fund ang ipambabayad sa utang ng National Power Corporation na naunang ipinapasa sa mga konsyumer bilang universal charges.
File Photo
Murang Kuryente law nilagdaan ni Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act para mapababa ang si­ngil sa kuryente ng mga Filipino.

Sa ilalim ng RA 11371, isang bahagi ng Malampaya fund ang ipambabayad sa utang ng National Power Corporation na naunang ipinapasa sa mga konsyumer bilang universal charges.

Itinatadhana sa ba­tas na P208 bilyon mula sa sosyo ng pamahalaan sa Malampaya fund ang gagamitin sa pagbabayad sa mga stranded debts at stranded contract costs ng Napocor.

Pinirmahan ng Pa­ngulo ang Republic Act 11371 noong August 8 na ang kopya ay ipinalabas kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian na kanyang inisponsor sa Senado.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakaasa ng bawas na P172 sa kanilang electric bill.

MURANG KURYENTE ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with