^

Bansa

Single-use plastic ipagbabawal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang polusyon sa bansa, prayoridad ni Senador Cynthia Villar ang panu­kalang-batas na magbabawal sa single-use plastics.

Layunin ng Senate Bill No. 333 o Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019 na i-regulate ang manufac­turing, importation at paggamit ng single-use plastic products.

Sinabi ni Villar, na inaasahang chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources sa 18th Congress, na mahalaga ang pagsasabatas ng panukalang ito dahil sa pag-aaral na sa buong mundo, ang Pilipinas ang pangatlong pinakama-   laking producer ng plas-tic wastes na napupunta sa karagatan.

Aniya, mamamatay ang mga isda at magi-ging disyerto ang mga karagatan sa taong ito. 

Sinabi pa ng Nacio-nalista Party senator na umiigting ang suliranin sa plastic waste dahil na rin sa mga produktong nasa plastic sachets. 

Sa ilalim ng panukala, pagbabawalan ang food establishments, stores, markets at retailers na magbigay ng single-use plastics. 

Hihikayatin din ang consumers na guma-mit ng reusable mate-rials samantalang ang manufacturers ay dapat na mangolekta, magrecycle at itapon ang single-use plastics. Hindi na rin papayagan ang importasyon ng single-use plastics. 

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with