8 preso pumuga
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong preso ng Lamitan City jail ang nakatakas kahapon ng umaga sa  Basilan.

Sinabi ni Police Lt. Col. Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City Philippine National Police (PNP), na dakong alas-8:00 ng umaga nang makatakas ang nasabing mga preso.

Ayon kay Panapan, nakatakas ang mga preso habang natutulog ang mga jail guards.

Tinangay umano ng mga preso ang dalawang M-16 rifle ng mga guwardiya ng city jail.

Nabatid na, sa walong presong nakatakas, isa lang dito ang may kasong murder habang ang pito sa kanila ay may kaso ng illegal na droga.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga nakatakas na preso habang patuloy din ang ginagawang imbestigasyon kung paano nakatakas ang mga suspek.

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with