Mayor Isko suportahan - Bagatsing
(Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang kila­lang civic leader na si Don Bagatsing na malaki ang maitutulong ng bagong alkalde ng Maynila sa katauhan ni Isko Moreno upang gumanda ang kabuhayan at umunlad ang lungsod.

Ayon kay Don, taga­pagsalita ng pamilya Bagatsing, tumakbo si Moreno na nasa tamang direksyon at perpekto ang kanyang kampanya kaya walang pagkakamali at ramdam ng mga Mani­lenyo ang sinseridad ng bagong ama ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Bagatsing na si Moreno ang pinakabatang alkalde ng lungsod kaya malakas pa ang kanyang energy at ang kanyang mandato ay umaapaw bagama’t mayroong kinakaharap na malaking problema ang Maynila.

Gayunman, hindi nag-iisa si Moreno dahil buong suporta ang ibibi­gay ng pamilya Bagat­sing sa kanyang bagong liderato.

DON BAGATSING ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with