^

Bansa

Dalagitang binalatan positibong ginahasa, binuhusan ng asido

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dalagitang binalatan positibong ginahasa, binuhusan ng asido
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng forensic team ng Public Attorney’s Office (PAO), sa isi­nagawa nilang awtopsiya ay nakitaan nila ng senyales ng mga galos at hematoma sa pribadong parte ng katawan si Silawan, na palatandaan na ginahasa ito.

MANILA, Philippines — Kumpirmadong ginahasa muna at binuhusan pa ng asido bago pinatay ang 16-anyos na dalagi­tang si Christine Lee Sila­wan sa Lapu-Lapu City sa Cebu noong nakaraang buwan.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng forensic team ng  Public Attorney’s Office (PAO), sa isi­nagawa nilang awtopsiya ay nakitaan nila ng senyales ng mga galos at hematoma sa pribadong parte ng katawan si Silawan, na palatandaan na ginahasa ito.

Lumabas din aniya sa awtopsiya na sinunog ang mukha ni Silawan gamit ang sulfuric acid.

Isinagawa ang awtop­siya sa bangkay ng biktima isang araw bago inilibing noong Marso 23.

Sabi ni PAO Chief Persida Acosta, posibleng may kasama o hindi nag-iisa ang taong nasa likod ng brutal na pagpatay kay Silawan.

Si Silawan ay natag­puang patay, walang suot pang-ibaba, bina­latan ang mukha, kinuha ang ilang internal organ nito sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong Marso 11.

Nagpaalam lamang  sa kanyang ina noong Marso 10, dakong alas-4:00 ng hapon na magsisimba ang estud­yante ngunit hindi na nakauwi pa ng kanilang bahay, hanggang sa matagpuan itong bangkay.

Ang dating nobyo ni Silawan, na isang menor de edad, ang itinuturong posibleng may kagagawan ng krimen, dahil kinatagpo umano ito ng dalagita bago ito natagpuang patay.

Una ng inihayag ng PNP Region 7 Crime La­boratory na hindi ginahasa si Silawan.

vuukle comment

CHRISTINE LEE SILA­WAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with