^

Bansa

NAIA ligtas-MIAA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
NAIA ligtas-MIAA
Ito ang naging pahayag ni MIAA GM Ed Monreal kasunod sa lumabas na ulat na hindi natugunan ng MIAA ang protocol o panuntunan ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ligtas ang mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Ito ang naging pahayag ni MIAA GM Ed Monreal kasunod sa lumabas na ulat na hindi natugunan ng MIAA ang protocol o panuntunan ng International Civil Aviation Organization (ICAO). 

Itoy base na rin sa inihayag ng Transportation Security Administration TSA. 

Matapos lumabas ang isang pahayag ng Homeland Security ng Estados Unidos na dapat mag-ingat ang mga pasahero pagdating sa NAIA dahil sa kakulangan ng security measure na ipinatutupad ng ICAO sa lahat ng paliparan sa buong mundo. 

Sa isinagawang assessment ng TSA, na  16 na rekomendasyon ang hiling nito at pito dito ay natugunan na ng MIAA habang ang siyam naman dito ang ginagawan na ng paraan ng pamunuan ng naturang kagawaran kabilang na ang pagbili ng iba pang kagamitan para sa security measure na mahigpit na ipinatutupad ng paliparan. 

Hiniling naman ni GM Monreal sa publiko na makipag tulungan sa mga security personnel sa paliparan sa pagpapatupad ng tamang protocol sa mga terminal para sa kaligtasan ng lahat ng travellers. 

Tiniyak din ni Monreal na walang dapat ikabahala ang publiko pagdating sa seguridad ng mga pasahero sa labas at loob ng NAIA.

vuukle comment

ED MONREAL

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with