^

Bansa

Libu-libong pisong deliveries para sa 'Ateneo bully,' ipinadala sa maling address

James Relativo - Philstar.com
Libu-libong pisong deliveries para sa 'Ateneo bully,' ipinadala sa maling address
Nang dumating ang mga delivery, napag-alaman nilang nakapangalan sa sinipang estudyante ng Ateneo na iniuugnay sa pambu-bully ang mga order.
Facebook/Jewel Taculod

MANILA, Philippines — Laking gulat ng pamilya nina Jewel Taculod nang biglang dumating ang sari-saring deliveries sa kanilang bahay, ang problema, wala naman daw silang ino-order.

"It started noong [December] 21, Friday. Around 2 p.m. in the afternoon," ayon kay Taculod. 

Nang dumating ang mga delivery, napag-alaman nilang nakapangalan sa sinipang estudyante ng Ateneo na iniuugnay sa pambu-bully ang mga order.

"Earlier that day, nagulat kami sa Facebook kasi address namin yung kumakalat," dagdag ni Taculod.  

 

Image and video hosting by TinyPic

Ilan sa mga dumating sa kanilang bahay ay P 7,000 halaga ng pizza at tatlong riders mula sa isang sikat na fast food restaurant.  

Giit nila, hindi nila kilala ang pamilya ng estudyante.

Sinegundahan naman 'yan ng ilang netizens na nagpakilalang kapitbahay diumano nina Taculod.

 

Image and video hosting by TinyPic

Napag-alaman din nilang may paparating pa sanang P54,000 halaga ng order sa kanilang bahay na agad naman nilang naikansela. 

"May dumating na order yung tita ko from Lazada. Order of her own. Then I asked yung delivery kung may other orders pa ba na addressed sa amin. Sabi niya, 'Yes maam, under po sa name ni ******* ******.' Isang box na malaki worth P 37,000 and P17,000," ayon kay Taculod.

Responsableng paggamit ng social media

Pinaalalahanan naman niya na maging responsable ang mga netizens sa pagpapakalat ng kanilang address.

"Please be responsible of what posts you’re sharing! May pamilya kayong naapektuhan, na walang kamalay malay sa issue!" dagdag ng biktima.

Nais namang ipagdasal ng kapatid ni Jewel na si Joshua Mark Timbangcaya Taculod ang mga nagpapakalat ng kanilang address.

 

Image and video hosting by TinyPic

Nakatira ang pamilya Taculod sa isang compound na ginagamit din ng isang simbahan at eskwelahan. Kilalang pastor naman ang kanilang ama.

vuukle comment

ATENEO

BULLYING

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with