^

Bansa

DOJ humirit ng panibagong warrant, HDO vs Trillanes

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOJ humirit ng panibagong  warrant, HDO vs Trillanes
Sa inihaing Very Urgent Motion with Revocation of the Amnesty ng DOJ sa Makati RTC Branch 150, hiniling din ng DOJ na ituloy na ang pagdinig sa kaso para makapag-prisinta na ng ebidensiya ang prosecution.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 na iutos na ang pag-aresto kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa pagbawi ni Pangulong Duterte ng amnesty na ibinigay sa kaniya ng Malakanyang noong nakalipas na administrasyon.

Sa inihaing Very Urgent Motion with Revocation of the Amnesty ng DOJ sa Makati RTC Branch 150, hiniling din ng DOJ na ituloy na ang pagdinig sa kaso para makapag-prisinta na ng ebidensiya ang prosecution.

Matatandaang taong 2007 nang maganap ang Manila Peninsula siege at kabilang si Trillanes sa akusado sa rebellion case.

Iginiit pa ng DOJ na hindi na kailangan pa ng pagdinig para sa pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes dahil noon ay nakapag-isyu na ng warrant of arrest ang nasabing korte at pinayagan pang magpiyansa ang senador na sa huli ay kinansela rin.

Kabilang pa sa hiling ng mosyon sa korte na magpalabas din ito ng hold departure order laban sa senador upang hindi ito makalabas ng bansa.

May katulad na mosyon din ang nakabinbin pa sa Makati RTC Branch 148 na may hawak sa kasong coup d’ etat laban kay Trillanes at sa iba pang Magdalo soldiers.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with