^

Bansa

Ping kinampihan ang Diyos kaysa kay Duterte

Jaeger Dwayne G. Tamaray - Pilipino Star Ngayon
Ping kinampihan ang Diyos kaysa kay Duterte
Ngunit matapos ang mga pahayag ni Duterte kontra sa Panginoon, pinili ni Lacson ang Panginoon.
File photo

MANILA, Philippines – Ipinaglaban ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo ang Panginoon matapos itong batikusin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang kwento ng paglikha na nakasulat sa Bibliya.

“In many conflicts with his political adversaries, I took his side more than I did not, even when sometimes I had many doubts because I believed he was different from all presidents who led before him,” pahayag ni Lacson.

Aniya may mga pagkakataon na naniwala siyang si Duterte ang sugo ng Panginoon para sa Pilipinas na siyang magdadala ng pagbabago para sa ikabubuti.

Ngunit matapos ang mga pahayag ni Duterte kontra sa Panginoon, pinili ni Lacson ang Panginoon.

“Between him and my God to Whom I pray every single day and with Whom I’ve found solace and comfort in all my difficult times, I don’t even have to think of my choice,” pahayag ni Lacson.

Nitong Biyernes, tinawag ni Duterte ang Panginoon na “bobo” matapos niyang punahin ang katwiran ng kwento ng paglikha.

Sa isang talumpati sa Davao City, pinagdudahan ng pangulo kung bakit gagawa ang Panginoon ng isang perpektong bagay tapos ay dadagdagan niya ito ng tukso na magu-udyok sa kanyang mga nilikha na sirain ang kanilang sarili.

“Who is this stupid God? Estupido talaga itong p***** i** kung ganun,” pahayag ni Duterte.

Pinunto ni Duterte na ang kasamaan ay nagsimula noong ginawa ni Eba at Adan ang “original sin” sa pamamagitan ng pagkain ng ipinagbabawal na prutas.

“Eh ‘yan ang hindi ko matanggap. Very stupid proposition. Anong kasalanan? Original sin, tapos i-baptize ka. Basain pa ‘yang ulo mo ng tubig. Maniwala ka niyang pari na ‘yan,” pahayag ni Duterte.

Sinabi rin ni Duterte sa kanyang talumpati na hindi siya naniniwala sa relihiyon kundi sa “universal life”

Sa kanyang mga nakaraang talumpati, inulit-ulit ni Duterte na ang Panginoon ang sanhi ng kanyang pagkapangulo.

“But I think God has placed me here to do this job in this generation of our country, faced with so many problems from insurgency, illegal drugs,” sipi mula sa kanyang pahayag noong Marso.

vuukle comment

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with