LTFRB Chairman Delgra kinasuhan ng graft sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Sinampahan kahapon ng graft at pang-aabuso sa Office of the Ombudsman si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chair Martin Delgra.
Sa kanyang reklamo sa Ombudsman, sinabi ni dating LTFRB Bicol regional director Jun Abrazaldo na umabuso sa kanyang kapangyarihan si Delgra at protektor umano ito ng ilang bus companies.
Sa complaint affidavit ni Abrazaldo, sinabi nitong nanghimasok umano si Delgra sa mga kaso ng Decker Cargo Logistics Corp. (DCLC) at Super Five Bus Transport Inc. habang iniimbestigahan pa ng LTFRB regional office ang kumpanya na nasangkot sa aksidente ang isang trak nito na ikinasawi ng tatlong katao at nasira ang isang trak.
Ani Albrazaldo, nanghimasok din si Delgra nang hulihin ng LTFRB regional office ang apat na units ng Super Five dahil hindi ito rehistrado.
- Latest